^

PSN Showbiz

Bago ‘nagbaril’ sa sarili Jolo laging gustong pag-usapan ang problema ng ama

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Mahina pa ang boses ni Jolo Revilla nang mag-usap kami kahapon bago siya inoperahan sa Asian Hospital and Medical Center.

Ikinagulat ko ang nangyari kay Jolo dahil magkausap kami sa cell phone noong Friday night. Tinanong ko siya tungkol sa mga paninira sa kanya sa social media ng fans nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap pero wala rito ang kanyang atensyon at concern.

Mas gusto ni Jolo na pag-usapan ang kaso ng kanyang tatay na si Senator Bong Revilla, Jr. dahil sa tsismis na ililipat ito sa ibang kulungan.

Tanong siya nang tanong tungkol sa reaksyon ni Bong sa bagong isyu na kinakaharap. Pinagsabihan ko si Jolo na huwag nang intindihan ang tatay niya dahil alam na nito ang mga dapat gawin.

Ramdam na ramdam ko sa boses ni Jolo na affected na affected siya sa mga nangyayari sa kanyang ama kaya ito ang naiisip ko na dahilan kaya nangyari ang hindi dapat mangyari.

Siguro naman, masaya na ang isang government official na gigil na gigil kay Bong dahil nagtagumpay siya na sirain ang pamilya ng mga Revilla. May naapektuhan na sa mga paghihiganti na ginagawa niya.

Fans nina Richard at Jodi wala na sa lugar

Ewan ko nga ba kung bakit sineseryoso ng fans nina Jodi at Richard ang loveteam ng dalawa.

Hindi ba puwede na maging realistic sila na pang-TV lamang ang loveteam nina Jodi at Richard dahil pamilyadong tao ito?

Nag-iilusyon sila sa kanilang pangarap na magkatuluyan ang dalawa dahil happily-married si Richard sa misis nito na si Melody ‘no? Hindi magandang sensyales ang wala na sa lugar ang pagiging possessive ng ibang fans nina Richard at Jodi.

Nadagdagan ang paghanga ko kay Jodi dahil hindi siya umalis sa tabi ni Jolo hangga’t hindi ito nagigising.

Si Jodi ang isa sa mga unang sumugod sa ospital nang makarating sa kanya ang nangyari. Hindi niya talaga pinabayaan ang kanyang boyfriend.

Sen. Bong mahirap ang kalagayan

Affected na affected si Bong sa nangyari kay Jolo na umiidolo sa kanya nang husto.

Napakahirap ng kalagayan ni Bong dahil dumaranas sa matinding krisis ang kanyang anak pero hindi niya mapuntahan at madalaw.

Kailangan pa niya na humingi ng permiso mula sa Sandiganbayan para makalabas sa PNP Custodial Center at mabisita si Jolo sa ospital. Hindi ganoon kadali ang proseso lalupa’t walang pasok noong Sabado at kahapon.

‘Para na akong sirang recording’

Ang dami-daming tumatawag sa akin at nagtatanong tungkol sa nangyari kay Jolo at paulit-ulit na lang ang sagot ko.

Para na akong sirang recording, hindi ko na tuloy napanood kahapon ang ibang mga sinabi ni Atty. Raymond Fortun sa interview sa kanya sa ANC.

Hindi ko na narinig ang sagot niya sa tanong kung bakit magkaiba ang mga kuwento namin. In fairness to me, consistent ako sa paggamit sa salitang self-inflicted wound.

Mga reporter ‘binantayan’ si Jolo!

Hanggang kahapon, hindi umaalis ang mga reporter sa harap ng Asian Hospital and Medical Center dahil naghintay sila sa latest medical bulletin ng mga doktor tungkol sa kalagayan ni Jolo.

Strict ang security sa ospital kaya walang reporter na nakapasok sa kuwarto ni Jolo. Mahihirapan talaga sila dahil may mga bantay sa harap ng pinto.

vuukle comment

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

CUSTODIAL CENTER

DAHIL

JODI

JODI STA

JOLO

RAYMOND FORTUN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with