^

PSN Showbiz

Pacman muntik nang makuha ng Kapamilya!

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Noong Biyernes ay nag-recording ng kanta ang pambansang kamao na si Cong. Manny Pacquiao sa recording studio ng singer/composer at kaibigan niyang si Lito Camo.

Lalaban Ako Para sa Pilipino ang title at para raw ‘yon sa boxing fight nila ni Floyd Mayweather sa May 2 sa Las Vegas, Nevada.

‘Yon ang theme song ni Manny para sa laban niyang ‘yon.

Sa nasabing recording session, pinuntahan siya ng ilang GMA 7 executives para kausapin ng “puso sa puso”.

Isa sa GMA 7 executives na kumausap sa kanya ay si Ms. Redgie Acuña-Magno na kilalang malapit kay Manny.

After ng kanilang pag-uusap, in-announce ni Ms. Redgie na Kapuso talaga si Manny.

“Heart to heart talk with THE CHAMPS!!! After the talk we were relieved!!! Thanks MP!!! You are a true KAPUSO!!!”

Ang duda ng iba, kinausap si Manny ng mga taga-Kapuso network dahil sa tsikang sa ABS-CBN mapapanood ang coverage ng Pacquiao-Mayweather boxing fight.

Kung matatandaan, ilang taon na rin ang naka­raraan ay nagkaroon din ng ganoong tsika at “nahilot” din ng GMA 7 executive si Manny at sa Kapuso network pa rin napunta ang coverage ng boxing fight niya that time.

Martin panay ang dalaw sa bunsong anak

Sobrang naa-appreciate ni Martin Nievera sa tuwing kinukuha siyang mag-show sa Amerika dahil nagagawa niyang bisitahin ang anak na si Santino sa Las Vegas, Nevada.

Sa tuwing nasa Amerika ang original concert king, hindi puwedeng hindi siya dumaan sa Las Vegas para maka-bonding si Santino.

Sa Holy Week, nasa Las Vegas na naman si Martin para mag-show, kaya makakapag-bonding na naman sila ng anak na bunso.

Kapag nasa Pilipinas naman, super-bon­ding din si Martin sa mga anak na sina Robin at Ram.

May mga pagkakataon pang isinasama ni Martin ang mga anak nila ni Pops Fernandez sa kanyang out of town shows.

Lovi wala pa sa hinagap ang kasal

Kahit nagpakasal na ang best friend niyang si Heart Evangelista, malabong sundan kaagad ni Lovi Poe ang mga yapak ng kaibigan.

Sabi ni Lovi, hindi pa nila seryosong napag-uusapan ng boyfriend na si Rocco Nacino ang tungkol sa kasal.

Marami pang plano at gusto si Lovi sa kanyang showbiz career, kaya imposibleng isipin niya kaagad ang tungkol sa pagpapakasal.

Isa pa, magkalayo naman ang edad nila ni Heart. Thirty years old na si Heart nang magpaka­sal sila ni Sen. Chiz Escudero at si Lovi naman ay kase-celebrate pa lang ng kanyang 26th birthday.

Sa ngayon, pinaghahandaan ni Lovi ang pelikulang Lakambini, isang historical film na tumata­lakay sa buhay ni Gregoria de Jesus.

vuukle comment

AMERIKA

CHIZ ESCUDERO

FLOYD MAYWEATHER

HEART EVANGELISTA

ISA

KAPUSO

LALABAN AKO PARA

LAS VEGAS

LOVI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with