^

PSN Showbiz

Puring-puri kasi ang ganda niya Maja hiyang-hiya kina Lea at Solenn

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Balik sa pagiging endorser ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner si Maja Salvador at paniwala nito, kaya muli siyang kinuhang endorser ng Mega­soft Company dahil may maganda siyang nagawa noong una siyang maging endorser.

Naalala naming noong una siyang mag-endorse ng Sisters Sanitary Napkin and Pantyliner, kapag may provincial tour, galing sa taping, naliligo lang siya at pumupunta na sa meeting place na panggagali­ngan ng press people na kasama sa provincial tour. Sa bus na siya nagme-make up ‘wag lang ma-late.

Anyway, sabi Mrs. Aileen Go, owner ng Mega­Soft, bukod sa print ad, may ad na rin sila sa bus at magkakaroon ng billboard si Maja. Mas tumaas ang tf ng aktres, hindi nga lang sinabi kung magkano.

Samantala, natanong ng kanyang reaction si Maja sa sinabi ni Solenn Heussaff na girl crush siya nito, nahiyang mag-comment si Maja, gusto naman niya ang kaseksihan ni Solenn.

Mas lalong nahiya si Maja sa ipinarating sa kanya na nang tanungin si Lea Salonga kung sino sa kanya ang pinakamagandang aktres, siya ang nabanggit na may pinakamagandang mukha sa showbiz.

“Hindi ko alam ang sasabihin, coming from Ms. Lea, sobrang na-appreciate ko  ‘yun. Salamat, pero nakakahiya,” sagot ni Maja.

Ibinalita na rin ni Maja na this March na ang ai­ring ng bago niyang soap sa ABS-CBN na Briges of Love. Kung sa Legal Wife ay piinag-agawan nila ni Angel Locsin si Jericho Rosales, sa bagong soap, siya naman ang pag-aagawan nina Paulo Avelino at Jericho. Star dancer ang role niya sa Bridges of Love.

Claudine mag-i-indie muna!

Nakita ng isang TV reporter sa may Katipunan si Claudine Barretto last week at nabanggit nitong determinado at desidido na itong magbalik showbiz. Sabi ng TV reporter, malaki na ang ipinayat ni Claudine at lumiit na ang tiyan nito.

Sa Instagram (IG) ni Claudine, may mga pinost siyang pictures na nasa gym siya at nagwu-workout. Ibinalita rin nitong she’s on a diet sa tulong ng Happy Diet Delivery, kaya mukhang seryoso na ngang magbawas ng timbang si Claudine.

Kamakailan, nabalitang may gagawing pelikula si Claudine, pero ang sabi, indie film muna at hindi mainstream.

Anyway, ilan sa bagong pinost na pictures ni Claudine sa IG ay nasa Viva Films office siya at tila inaayusan.

May picture rin si Claudine kasama si G3 San Diego, scriptwriter ng birthday special ni Julia Barretto na Just Julia, ang dating nito sa mga nakakita sa picture at nakabasa sa post ni Claudine, in-interview siya para sa Birthday special ng pamangkin.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BRIDGES OF LOVE

BRIGES OF LOVE

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

HAPPY DIET DELIVERY

MAJA

SISTERS SANITARY NAPKIN AND PANTYLINER

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with