^

PSN Showbiz

Alex naka-move on na kay Toni!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Sa loob ng 27 years ay magkasama sa iisang bubong ang magkapatid na Toni at Alex Gonzaga kaya hindi madali kay Alex na tanggapin na magkakahiwalay na sila ng (tirahan) ng kanyang ate (Toni) dahil malapit na itong ikasal kay Direk Paul Soriano at magkakaroon na ng sarili nitong pamilya.

Kaya naman daw talagang iba ang pakiramdam niya sa pagpapakasal ng kapatid. Pero naka-move on na raw siya.

“Masaya na malungkot ako para sa ate ko,” paha­yag ni Alex sa presscon ng kanyang upcoming major solo concert sa the Smart Araneta Coliseum on April 25 na may pamagat na The Unexpected Concert na joint venture ng CCA productions and MGM Productions.

“Masaya ako dahil nakikita ko kung gaano kasaya ang ate ko kay Direk Paul,” ani Alex.

Pelikula ni Dolphy ire-remake ni Vice?!

Dalawang teleserye ang nilalagare ngayon ng bagong child wonder na si Alonzo Muhlach, ang malapit nang mapanood sa ere na Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex Gonzaga at ang special series ng Wansapanataym Presents:  Yamishita’s Treasures na pinagsasamahan naman nila nina Coco Martin at Julia Montes. Ito bale ang magsisilbing summer special ng long-running weekly TV series habang hindi pa nagsisimula sina Coco at Julia sa bago nilang TV projects.

Ang Inday Bote na tinatampukan din nina Matteo Guidicelli, Kean Cipriano, Nikki Valdez, Smo­key Manaloto, Ailo Melendez, at maraming iba pa mula sa pamamahala ni Malu Sevilla ay mapapanood na sa ere simula sa March 16.

Samantala, ibinalita sa amin ng ama ni Alonzo, ang original child wonder nung dekada sitenta at otsenta na si Niño Muhlach na nagsisimula na umano silang mag-brain storming sa magiging launching movie project ng kanyang bunsong anak sa bakuran ng Viva Films although hindi pa umano final kung alin sa kanyang mga pinasikat na pelikula noon ang unang ire-remake ni Alonzo.

Sa rami ng pelikulang pinagbidahan noon ni Niño, gustong siguraduhin ng Viva Films ang magiging unang project ni Alonzo at dito lumulutang ang Kwatog, Butsoy, Peter Pandesal, Enteng Anting, at iba pa.

May mga nagsa-suggest din na i-remake ni Alonzo ang Ang Tatay Kong Nanay na tinampukan noon nina Dolphy at Niño at dinirek ng yumaong si Lino Brocka.  Maganda siguro kung sina Vice Ganda at Alonzo ang magkakasama. 

May mga lumutang ding balita na balak din ng Viva na pagsamahin sina Anne Curtis at Alonzo pero mauuna muna ang solo launching flick ng bagong child wonder.

vuukle comment

AILO MELENDEZ

ALEX

ALEX GONZAGA

ALONZO

ALONZO MUHLACH

ANG INDAY BOTE

ANG TATAY KONG NANAY

VIVA FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with