^

PSN Showbiz

Mga Aeta nakipagsabayan kina Daniel at Kathryn

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Talaga namang nakakakilig ang pelikulang Crazy Beautiful You nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.  Bagaman at hindi na bago ‘yung istorya ni Rory Quintos tungkol sa dalawang nagkainlaban na may magkaibang estado sa buhay, isang mayaman at isang mahirap, maganda naman ang pagkakabirada rito ni Direk Mae Cruz Alviar na gustung-gusto ng mga manonood na hindi lamang naman siguro binubuo ng fans at followers ng Kathniel kundi maging ng maraming may edad na rin na nakita akong nakapila sa sinehang pinaglalabasan nito nung Biyernes ng gabi. Hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangang pagurin nila ang mga sarili nila sa pagpila gayung reserved naman ang seats ng sinehan. Kahit hindi sila pumila ay mauupuan nila dahil reserbado ang mga ito.

Ang ganda talaga ng chemistry ng mgaka-love­team.

Para magawa akong paiyakin at patawanin ng magkapa­reha ay isa nang maituturing na achievement nila. Naitatawid nila ang mensahe ng mga ka­rakter na ginagampanan nila. Very lo­vable ‘yung dalawang Aeta children na napili ng produksyon na bigyan ng mas malalaking roles. Okay din sina Iñigo Pascual at Gabby Concepcion na kahit kakaunti ang dialogue ay na­ramdaman mo sa pelikula.

Ganun pa rin naman ang roles ng magka-love­team. Hindi pa masasabing mature at maski na ‘yung kissing scene nila ay napa­ka-light lamang. Hindi pa ibinibigay ng produksyon yung init na inaasahan ni­la. Baka sa susunod na pe­likula nila. O kaya ay sa te­le­serye nila. Pero naka­ka­aliw ang pelikula at feel good.

Max Collins kinain ang mga sinabi

Kinain ni Max Collins ang nauna niyang pa­ha­yag na hindi pa siya handang makita ng seksi sa cover ng mga men’s magazine. Puma­yag na kasi  siya sa alok ng FHM na maging  cover sa March issue nito. At may teaser nang lumalabas tungkol dito na dahil sa ka­ka­ibang presentasyon nito ay umagaw na ng interes ng mga mambabasa at labis na nilang inabangan ang paglabas ng FHM.

Ganun din katindi ang ginagawang pag-aabang ng mga manonood ng Kailan Ba Tama ang Mali na pinangungunahan ni Max sa Kapuso Network.

Mga pinoy na biritera may sasalihan na naman

Meron na namang isang international singing contest na maaring pagsimulan ng isang matagumpay na career ng mga Pinoy. Ito ang Asia’s Got Talent. At isa sa uupong hurado ay si David Fors­ter, isang kinikilalang record producer at songwriter at nakilala natin ng lubos nang tulungan niya para makilala sa international scene si Charice. Si Oprah Winfrey ang nagrekomenda kay Charice kay Forster.

Mga sikat na singer sa buong mundo ang mga nakatrabaho na ni David Forster.

Mapapanood ang Asia’s Got Talent sa Pilipinas tuwing Huwebes, 8:05 p.m. sa AXN.

 

vuukle comment

CHARICE

CRAZY BEAUTIFUL YOU

DANIEL PADILLA

GOT TALENT

MAX COLLINS

NILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with