^

PSN Showbiz

AiAi hindi para sa mga anak ang biniling bahay sa Amerika

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May correction please si AiAi  Delas Alas tungkol sa bahay na binili niya sa California. Mali kasi ang mga akala na bumili ng bahay si AiAi para sa kanyang anak na si Sophia.

Nag-one plus one lang ang mga manghuhula dahil nakalimutan nila na dalawa ang anak ni AiAi na nag-aaral sa Amerika, sina Shaun at Sophia.

Nalimutan din nila na immigrant na si AiAi sa Amerika kaya bumili siya ng bahay na magiging permanent residence nila ng kanyang mga anak.

‘Yan kasi ang hirap sa mga blogger at writer kuno na ibinabase lang ang kanilang mga balita sa mga social media account ng mga artista. Karamihan sa kanila eh hindi personal na kilala ng mga artista. Sulat lang sila nang sulat  at walang paraan para kumpirmahin ang mga balita na pinupulot lamang nila.

Paano kung makatuwaan ng mga artista na paglaruan ang mga blogger kuno at mag-feed sila ng maling balita sa kanilang mga social media account para makuryente ang mga nangangahoy ng tsismis. Kaninong kredibilidad ang masisira?

Perlas sa damit ni Lupita peke, nadiskubre ng magnanakaw

Ibinalik na ng magnanakaw ang  ivory gown na ginamit ni Lupita Nyong’o sa Oscar Awards noong nakaraang linggo.

Imbes na matakot, nagalit ang hindi pa nakikilala na suspect dahil nalaman nito na fake ang mga perlas sa damit ni Lupita na ipinasuri niya sa isang marunong sa alahas.

Pinag-usapan si Lupita nang umapir siya sa Oscar Awards dahil sa 6,000 pearls na nakalagay sa kanyang Calvin Klein ivory gown na worth US$150,000. Umani ng sangkatutak na publicity at papuri ang damit. Idineklara pa si Lupita na best-dressed star sa Oscar Awards.

Imbyerna ang magnanakaw dahil nalaman niya na fake ang mga perlas at walang halaga ang gown ni Lupita.

Ibinalik ng magnanakaw sa hotel na tinutuluyan ni Lupita ang kontrobersyal na gown na inilagay niya sa isang garbage bag at iniwan sa second floor bathroom na malapit sa fitness center.

Malaking kahihiyan kay Lupita at sa gumawa ng kanyang gown ang reklamo ng magnanakaw na fake ang mga perlas.

Pinay na yaya ng Award Winning Actress na si Marion Cotillard tiyak na didiskubrihin

Nakakatuwa na malaman na isang Pilipina ang kasambahay ng pamilya ni Marion Cotillard sa France.

All praises si Marion sa kanilang kasambahay kaya alam na natin ngayon ang dahilan ng pagkagiliw niya sa mga Pilipino.

Sayang dahil hindi sinabi ni Marion ang family name ng kasambahay. Puwedeng sinadya niya na huwag banggitin ang full name ng Pinay bilang proteksyon sa katauhan nito.

Maraming Pinoy sa France at dahil si Marion ang nagkuwento na Pinay ang kasambahay nila, mag-expect tayo na may mag-iimbestiga para malaman ang tunay na identity ng kababayan natin na nag­lilingkod sa pamilya ng sikat na French actress bilang halos magkakakilala ang lahat ng mga Pilipino sa kanyang bansa, kahit tanungin ninyo pa si Mama Babette Aquino ng Paris.

Mapapangasawa ni Diether apo ng Tycoon

Pamangkin pala ni Mikee Cojuangco si Michelle Barrera, ang girlfriend ni Diether Ocampo na lumaki sa Australia. Si Michelle ang first grand daughter ng businessman na si Danding Cojuangco

Sosyal si Diether dahil noong nanliligaw pa lamang siya, sinundan niya si Michelle sa Paris para mag-almusal. Ganyang-ganyan ang  drama noon ni Mo Twister kay Rhian Ramos kaya lalo itong na-in love sa  kanyang ex-boyfriend na mortal enemy na niya ngayon.

vuukle comment

AMERIKA

AWARD WINNING ACTRESS

LUPITA

MARION

MARION COTILLARD

NIYA

OSCAR AWARDS

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with