^

PSN Showbiz

Dalawang anak ni AiAi hindi na kailangang makisama sa kanilang tatay

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Nagdesisyon si AiAi delas Alas na bilhan ng sariling bahay ang kanyang bunsong anak na si Sofia na kasalukuyang nasa kolehiyo sa Los Angeles, California.

Gaano man kasalimuot ang lovelife ni AiAi, never niyang pinabayaan ang kanyang obligas­yon bilang ina sa tatlong anak na ang panganay ay si Sancho.

Ngayon nga naman ay hindi na kailangang maki­sama ng mga anak sa bagong pamilya ng kanilang ama.

Chairman Tolentino binuksan ang MMFF Cinema

Last December 2014 ay inihayag na ni MMDA chairman at Metro Manila Film Festival (MMFF) over-all chairman Francis Tolentino na ang 2014 Metro Manila Film Festival ang kanyang magiging huling taon bilang over-all chairman dahil babalikan nito ang kanyang political career sa susunod na taon pero kailangan na rin niyang mag-file ng candidacy sa dara­ting na Oktubre.  Pero bago pa man ang formal niyang namamaalam bilang chairman ng MMDA, muling humarap si Chairman Tolentino sa entertainment media para sa pagbabasbas ng bagong tayong MMFF Cinema buiding na matatagpuan mismo sa harap ng MMDA compound sa Makati City at bilang launching ng MMFF 2015.  The event was also highlighted ng pamimigay ng mga cash incentives sa mga winner ng 2014 MMFF at ang signing ng Memorandum of Agreement with the National Youth Commission at ang Philippine Association of Communications Educators, Inc. bilang suporta sa Summer Student Film Festival.

Ipinagmamalaki ni Chairman Tolentino ang naging ear­nings ng MMFF during his term at umaasa siya sa patuloy ng paglago ng industriya kahit hindi na siya ang over-all chairman ng MMFF.

Ang deadline para sa scripts para sa 2015 MMFF ay sa buwan ng Hunyo habang ang Summer Student Film Festival ay formal na binuksan sa mga qualified students para sa short film at Cinephone categories.

Ang Student Short Film category ay bukas sa mga student filmmaker mula sa iba’t ibang college and universities at ang deadline for submission ay hanggang April 17, 2015.

Samantala, ang Cinephone ay isang nationwide cellphone movie-ma­king contest para sa high school at college students na ang deadline ay sa April 17 din.  Sixty videos ang pipiliin as finalists.

Ang announcement ng mga fina­list para sa Cinephone ay on April 22 at April 24 naman sa Student Shorts.  Ang screening ay naka-schedule on April 24 to May 1 habang ang mga announcement of winners ay ihahayag naman on May 4 sa MMFF Cinema, ang legacy na iiwan ni Chairman Francis Tolentino.

Alex bihirang mag-seryoso

Kaya na nga kayang punuin ni Alex Gonzaga ang Smart Araneta Coliseum sa pamamagitan ng kanyang kauna-una­hang major concert na pinamagatang The Unexpected Concert na produced ng dating That’s Entertainment member na si Joed Serrano in co-production with CCA Productions and MGM Productions?

Very strong ang paniniwala ni Joed at ng kanyang mga co-producer ng The Unexpected Concert ni Alex na kaya nitong punuin ang Big Dome dahil sa maraming pasabog na nakatakdang gawin ng nakababatang kapatid ni Toni Gonzaga hindi lamang bilang isang singer-performer kundi bilang isang comedienne.

Natural ang pagiging komedyana ni Alex kaya sa kanyang presscon na may kinalaman sa kanyang nalalapit na concert na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum on April 25 ay tawa nang tawa ang mga dumalong entertainment press sa mga sagot nito sa ibinabatong tanong sa kanya.  Hindi mo tuloy malaman kung kelan seryoso si Alex sa kanyang mga pahayag.

        

vuukle comment

ALEX

CHAIRMAN

CHAIRMAN TOLENTINO

KANYANG

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MMFF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with