^

PSN Showbiz

Showbiz couple na sa kotse nagpaparaos ng sakitan, sa hiwalayan din napunta nang makabuntis si mister

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Joy ride ang tawag ng mga miron nilang kapitbahay kapag nakikitang dahan-dahang tumatakbo ang magarang sasakyan ng mag-asawang naninirahan sa bonggang subdivision.

Walang direksiyon ang takbo ng kotse, basta takbo lang nang takbo nang marahan, may mga pagkakataong itinatabi ng aktor na nagmamaneho ang sasakyan nang ilang minuto.

Kapag nagkakaroon ng away ang mag-asawa ay hindi nila ‘yun ipinaririnig sa kanilang mga anak, wala ring nararamdaman ang kanilang mga kasambahay, sinasarili ng mag-asawa ang kanilang buhay na personal.

Magtatalo-mag-aargumento sila habang nasa loob ng sasakyan. Isisigaw nila du’n ang pinakamatindi nilang emosyon, hindi naman sila nagkakasakitan nang pisikal, pero siguradong lumalatay sa puso at utak ang pagpapalitan nila nang maaanghang na salitaan.

Kuwento ng aming source na matagal na nakasama ng mag-asawang personalidad, “Ganu’n sila kapag nag-aaway, kotse lang ang nagiging witness nila, hindi ang mga anak nila, lalong hindi ang mga kasambahay nila na puwedeng maglabas ng mga kuwentong nangyayari sa mismong bahay nila.

“Basta, kukunin ng husband ang susi ng kotse nila, mag-iikot sila nang mag-iikot sa village ng wife niya, du’n sila mag-aaway, du’n sila maglalabasan ng galit nila sa isa’t isa, napaka-safe ng paraang ginagawa nila.

“Pagkatapos nilang mag-away, kapag naihinga na nila ang mga sama ng loob nila, uuwi na sila na parang walang nangyari. Okey na uli sila, loving-loving na uli, ganu’n nila inaalagaan ang privacy nila,” kuwento ng aming source.

Pero nang malaman ng misis ang pangangaliwa ng kanyang mister na nagdadalantao na pala ang babae at siya pa ang pinakahuling nakaalam ay nawalan na ng saysay ang kanilang joy ride. Tinapos na ng babae ang kanilang relasyon.

Anumang pagsusumamo ang gawin ng lalaki ay hindi na tinablan ang babae, nangibang-bansa na lang si mister, nu’n lang naniwala ang male persona­lity na hindi nga pala totoo ang sinasabi ng isang pi­yesa na may relasyong umaabot nang forever.

Ubos!

Pacman naniniwala sa ‘kapangyarihan’ ng Diyos na mapapasama ang kanyang team sa finals ng PBA

“Bakit, imposible ba? Nothing is impossible with God.” ‘Yun ang walang kagatul-gatol na sagot ni Congressman Manny Pacquiao nang tanungin siya ng mga sports writers kung mula sa ibaba ay gusto niyang mapasama sa finals ang kanyang koponang Kia Carnival sa PBA.

Nu’ng nakaraang PBA conference ay hindi nagpakita ng gilas ang team ni Pacman, pero sa ginaganap na kumperensiya ngayon ay maraming nagulantang, matitinding teams pa ang kanilang tinatalo na tulad ng San Miguel Beer, Purefoods at Talk N Text.

Ang hiling ng Pambansang Kamao ay hindi lang mapasama ang kanyang team sa finals, kampeonato ang kanyang tinatarget, hindi raw imposibleng mang­yari ‘yun dahil sa paggabay ng Panginoon at sa ipinakikitang pagpupursige ng kanyang mga players.

Mula nang maglaro si Pacman sa PBA ay nakapag­tala na siya ng one point, nagtatangka siyang maka-three points, pero palaging air ball ang kanyang mga tira.

Pero sa kabila nu’n ay napakalaking atraksiyon si Pacman sa PBA, kahit nga ang mga kalaban nilang ­players ay nagpaparetrato sa kanya, pala­ging masaya ang venue kapag sumusuporta ang boksingero sa Kia Carnival.

Wala mang magawang puntos si Pacman sa basketball ay walang problema, isa siyang boksingerong kilalang-kilala sa buong mundo, hilig lang daw niya ang paglalaro ng basketball at billiard. Carry na ‘yun.

Hindi ang pagbubuslo niya ng bola ang tinututukan ng ating mga kababayan at ng buong mundo, ang nalalapit nilang salpukan ni Floyd Boy Daldal Mayweather, Jr. ang inaabangan, harinawang maipanalo ng Pambansang Kamao ang kanilang katangi-tanging laban sa May 2 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.

vuukle comment

KIA CARNIVAL

MAG

NANG

NILA

PACMAN

PAMBANSANG KAMAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with