^

PSN Showbiz

Emote sa offer na kasal ‘di man lang nasilip Herbert dinedma ang blog ni Kris

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Hindi nabasa ni Quezon City Mayor Herbert Bau­tista ang mahabang litanya ni Kris Aquino tungkol sa kanilang naunsyami na love affair.

Kahit hindi mabasa ni Papa Herbert ang mga emote ni Kris, siguradong may magpaparating sa kanya dahil siguradong nakatutok din sa Internet at social media ang mga tauhan niya.

Baka may isang tao na hindi matuwa kapag na­laman niya na hindi nabasa ni Papa Herbert ang madamdamin na blog. Iisipin niya na hindi tama na nabasa na ng buong mundo ang blog pero dinedma ito ng alkalde ng Quezon City na busy sa paglilingkod sa kanyang constituents.

Pacman nanatiling Kapuso

Mananatiling Kapuso si Congressman Manny Pacquiao at tiniyak niya ito sa mga executive ng GMA 7 na nakipag-heart to heart talk sa kanya.

Bukod sa pananatili bilang Kapuso, nag-recording si Papa Manny para sa bagong kanta na magsisilbi na entrance song niya sa makasaysayan na paghaharap nila ni Floyd Mayweather, Jr. sa May 2.

Ciara kasabay ng Edsa Revolution ang panganganak

Napaaga ang pagsisilang ni Ciara Sotto sa panga­nay nila ni Jojo Oconer.

Sa March 3 pa ang due date ni Ciara pero nanganak na siya ng isang healthy baby boy noong February 25 na 29th anniversary ng Edsa Revolution.

Teka, parang hindi ko narinig na pinatugtog sa mga radyo noong Edsa Revolution anniversary ang Magkaisa na inawit ni Virna Lisa at isinulat ni Senator Tito Sotto, ang ama ni Ciara.

Damit ni Lupita sa Oscars na worth P6.5 M ninakaw

Worth US$150,000  (halos P6.5 million sa pera natin) ang ivory dress na ginamit ni Lupita Nyong’o sa Oscar Awards noong Linggo at ninakaw mula sa isang hotel sa West Hollywood na tinutuluyan niya.

Marunong ang magnanakaw dahil alam nito na tadtad ng 6,000 pearls ang ivory gown ni Lupita as in madaling maibebenta ang mga perlas.

 ‘Yan ang risk kapag napapabalita na mamahalin ang damit dahil pinag-iinteresan ito ng mga malilikot ang kamay.

Iniimbestigahan na ng Los Angeles Police ang kaso. Ni-review nila ang mga CCTV footage dahil sa pag-asa na baka nahagip ng mga kamera ang magnanakaw.

Gretchen babantayan sa debut ni Julia

Ipinahiwatig ni Gretchen Barretto sa isang event na totoo ang napapabalita na silent war nila ng kanyang kapatid na si Marjorie Barretto.

Matagal nang tsismis na hindi magkasundo ang magkapatid dahil hindi na sila nakikita na magkasama sa mga sosyalan.

Inaabangan ng madlang-bayan kung sino kina Gretchen at Marjorie ang unang magsasalita tungkol sa kanilang tampuhan.

Malapit na ang debut ni Julia Barretto. Kapag hindi dumalo si Gretchen sa 18th birthday party ng kanyang pamangkin, clue ito na hindi pa sila nagkakaayos ni Marjorie.

Claudine nakipag-ayos na sa mga pamangkin

Bago pa nagpahiwatig si Gretchen tungkol sa tahimik na tampuhan nila ni Marjorie, nagpahiwatig din si Claudine Barretto tungkol sa interbyu sa kanya para sa isang very special sa puso niya.

Mabilis ang pick up ng fans. Nag-conclude agad sila na may kinalaman sa debut at birthday special ni Julia ang pagpapainterbyu ni Claudine dahil sa photo caption nito na “A special for someone VERY SPECIAL.U know who u r.i luv u so much.”

Hindi matitiis ni Claudine si Julia dahil  paulit-ulit ang kanyang dialogue na miss na miss na niya ang mga pamangkin na mga anak ang trato niya noong kainitan ng away nila nina Marjorie at Gretchen.

 

vuukle comment

CIARA

CLAUDINE

EDSA REVOLUTION

GRETCHEN

JULIA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with