^

PSN Showbiz

Pangalan ng character ni Dingdong na Jericho Evangelista sa seryeng sisimulan inaapelang palitan!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pakinggan kaya ng GMA-7 ang request ng DongYan fans nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pa­litan ang pangalan ng karakter ni Dingdong sa bagong series nitong Pari ‘Koy? Hindi pa naman daw nagsisimula ang airing ng series at puwede pang ihabol na mapalitan ang pangalan ni Dingdong.

Ayaw ng fans ang Jericho Evangelista na pangalan ni Dingdong sa Pari ‘Koy na para sa kanila ay pi­naghalong pangalan ni Jericho Ro­sales at Heart Evangelista. Res­peto raw kina Dingdong at Ma­rian, pero tila wala nang magagawa pa si Dingdong dahil nag-start nang mag-taping si director Maryo J. delos Reyes.

In fairness, may kakaibang dating ang pa­nga­­lan ng karakter ni Dingdong sa bago niyang serye, nakadagdag ng cu­riosity at sana, tanggapin na ng DongYan.

Huwag na nilang isipin ang mga taong may kaparehong panga­lan at apelyedo ng Jericho Evangelista. Sa March 9 na ang pilot ng Pari ‘Koy.

Launching movie ni Kylie maraming pasasabuging sasakyan

Curious kami sa reaction ng mga se­nador sa post ni Robin Padilla sa Instagram (IG) na “am always confused every­time I see the hearings of the senate, I really don’t know the difference between a teleserye actor from a senator...Agawan ng eksena, no rules, no respect, no direction, eve­rybody is in a state of grandstan­ding...”

Marami ang nag-agree sa sinabing ito ni Robin dahil totoo naman at hindi lang sa Senado, pati na sa Kongreso.

Marami ang bumibisita sa IG ni Ro­bin dahil marami siyang sini-share at maraming natututunan sa kanya. Na­ki­kipag-argue siya sa kanyang follo­wers at nakikipag-away kung kina­ka­ilangan sa mga basher.

Anyway, hinihintay na ng fans ni Ro­bin ang ididirek na laun­ching movie ng anak na si Kylie Padilla. Action ang tema ng pe­likula at nabanggit ni Rommel Padilla sa presscon ng 2 1/2 Daddies ng TV5 na hard action ito. Ma­laki ang budget at opening scene pa lang, maraming sasakyan na ang pasasabugin.

Kaya lang, parang hindi nasunod ang schedule nila na simulan ang shooting ng launching movie ng anak ng aktor ngayong Feb­ruary dahil magtatapos na ang buwan, wala pang shooting na nagaganap.

vuukle comment

DINGDONG

DINGDONG DANTES

HEART EVANGELISTA

JERICHO EVANGELISTA

JERICHO RO

KYLIE PADILLA

MARAMI

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with