^

PSN Showbiz

Nangnenenok ng gamit maganda at matalinong aktres matindi ang sakit

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kaygandang babae. Walang maling bahagi sa kanyang mukha. Matalino pa. Kahit anong tanong ang ibato mo sa kanya ay bibigyan mo siya ng gradong perpek!

Ganu’n kung ilarawan ng marami ang aktres na ito. Ang ganda-ganda naman kasi niya talaga, nang magpaulan ng kagandahan ang langit ay bukas na bukas pati ang bubong ng kanilang bahay, kaya sangkatutak ang kanyang nasambot.

Pero hanggang ganu’n lang ang masasabi ng mga nakakakilala sa magandang aktres, basta maganda lang siya at matalino, ibang-iba na ang mga kasunod na paglalarawan sa kanya.

Kuwento ng isang source, “Pictorial ‘yun ng cast ng isang TV series. Nandu’n silang lahat. Picture-picture, hanggang sa matapos na ang pictorial. Nag-alisan na ang ibang artista, pero kataka-takang nagpaiwan pa ang girl at ang alalay niya.

“Pumasok sa dressing room ang assistant ng sikat na photographer, nag-aayos ng kanyang mga kagamitan ang aktres, gusto raw kasi niyang maayos na maayos ang kanyang mga stuff bago sila umalis.

“Sinilip ng assistant ng fotog ang CR, maayos at malinis naman. Kumpleto ang mga naka-display na lotion, shampoo, hand sanitizer, sabon at kung anu-ano pang toiletries.

“Nagpaalam na ang aktres, bumabay siya sa lahat ng nandu’n, senyal na ‘yun na puwede nang maglinis ang mga tauhan ng fotog dahil may kasunod pang pictorial.

“Nagsumbong ang boy sa kanyang boss, bakit wala nang laman ang CR, naubos ang lahat ng display nila, samantalang nakita pa ng assistant ng photographer na kumpleto ‘yun habang nag-aayos ng mga kagamitan ang nagpaiwang aktres?

“Isa lang ang nasabi nila, ang magandang girl ang kumuha ng lahat ng stuff sa CR, wala nang iba pa. May kalikutan ang mga kamay niya. Nangnenenok siya. Matingger-Z ang aktres. Klepto pala siya!” manghang-manghang kuwento ng aming impormante.

Iba na ang paglalarawan ngayon sa aktres ng mga taga-showbiz na nakakaalam ng kanyang lihim, “Maganda siya, matalino pa. Kaya l  ang, e, malikot ang mga kamay niya.”

Napakaigsi lang ng pangalan ng aktres na ito. Sobrang igsi. Ubos na ubos!

Xian hindi na mabura ang masamang imahe, kinabubuwisitan kahit sa billboard

Tawa kami nang tawa sa hinaing ng mga kaibigan namin nu’ng nakaraang Miyerkules nang umaga. Nakasusulasok kasi ang tindi ng traffic, mabuti pa nga ang pagong at mabagal mang gumapang ay may pagkilos, samantalang ang traffic sa halos lahat ng kalye lalo na sa EDSA ay mistulang parking lot.

Komento ng isang kaibigan naming papunta sa Makati, “Sa dinami-rami ng lugar, dito pa ako napag-abutan ng traffic sa tapat ng billboard ni Xian Lim! Ito ‘yung billboard ng Paddington, kanya pala ang boses ng oso sa movie na ito!”

Bicolana pa naman ang aming kaibigan, siyempre’y inis na inis ito sa ginawang pambabastos ng aktor-aktoran sa kanyang mga kababayan, taga-Pioduran ito na ilang tumbling lang ang layo sa mismong lugar na binisita ni Xian.

Bitbit na talaga ni Xian Lim ang imahe ng kasupladuhan kahit saan. Sabi pa ng aming kaibigan na umaming lumilingon na lang ito sa kanan para huwag makita ang mukha ni Xian sa billboard sa kanyang kaliwa, “Naging guest namin si John Lloyd Cruz sa anniversary ng company namin, sikat na sikat na siya at mahusay pang umarte, pero mabait at humble siya.

“Na-invite na rin namin si Piolo Pascual, ganu’n siya kay JLC, very accommodating, walang angas, hindi tulad ni Xian Lim na wala pa namang maipagmamalaki,” sabi nito.

Hindi masisisi ni Xian Lim ang ating mga kababayang nagkukumpara sa kanya sa ibang matatagumpay na artista, siya ang humanap nito, ibinigay lang sa kanya.

“Manalamin naman sana siya ‘pag may time. Sobrang tindi ng belief niya sa sarili niya, e, wala pa nga siyang napapatunayan!” pahabol pang komento ng kaibigan naming buwisit na buwisit hindi lang sa sukdulang traffic kundi pati kay Xian Lim.

vuukle comment

AKTRES

KANYANG

LANG

SIYA

XIAN

XIAN LIM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with