^

PSN Showbiz

Rayver nahihiya sa pamilya ni Julia

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May bulung-bulungan na si Julia Barretto na diumano ang bagong nililigawan ni Rayver Cruz ngayon. Naging malapit daw ang aktor kay Julia nang magkasama sila sa ibang bansa kamakailan. “Walang real score. Kapag napag-uusapan namin ni Julia, natatawa lang kami kasi super close ako sa family niya. After ng London Barrio Fiesta, naging close ako sa kanya at sa mama (Marjorie Barretto) niya. Tapos pagbalik namin ay naging close ako sa buong family niya,” paglilinaw ni Rayver.

Kumalat ang nasabing isyu dahil sa isang lara­wan kung saan makikitang magkasama sina Julia at Rayver. “Natutuwa ako na nagkaroon ako ng se­­cond family kasama sila. Hindi ko in-expect ‘yon kasi mga Barrettos, pero sobrang saya nila kasama. Natatawa na lang kami kasi parang kailan lang may nag-tweet sa akin, ‘dating daw’. Eh ‘yung picture na ‘yun kinunan kaming dalawa lang pero kasama namin ‘yung buong family,” paliwanag ng aktor. “Hindi kami exclusively dating. Parang nakakatawa lang kasi sobrang close ako sa kanila, nakakahiya naman sa kanila, huwag na nating ipilit,” giit ni Rayver.

Samantala, nagagandahan naman daw ang binata kay Julia kaya imposibleng walang manliligaw ang aktres ngayon. “I find her very attractive. Sinasa­bi ko naman sa kanya sa harapan niya, sino ba na­mang tao ang hindi magkakagusto sa kanya, magkaka-crush, pero at this point in time parang ang dami pa niyang puwedeng gawin. Ewan ko kung gusto niyang mag-entertain ng suitors niya. Imposible namang walang nanliligaw sa kanya hindi ba? Pero sa ngayon kasi I’m happy na super close ako sa kanya, magkaibigan kami,” pagtatapos ng aktor.

Erich apektado na sa mga death threat

Nalalapit na ang pagtatapos ng teleseryeng Two Wives na pinagbibidahan nina Erich Gonzales, Jason Abalos, at Kaye Abad. Ayon kay Erich, nakatatanggap na umano siya ng death threats dahil sa kanyang karakter sa nasabing proyekto. “Duma­ting sa punto na ‘yung mga manonood sobra silang affected sa impact ni Janine sa buhay nila. Siguro ma­raming na-Janine sa real life, maraming nakaka-relate. Dumating ako sa point na ‘yung Instagram ko nga­yon ay naka-private na kasi nakaka-receive ako ng death threats. Minumura ako, hindi na si Janine ang tinatawag nila kung hindi si Erich na,” kuwento ni Erich.

Naiintindihan naman daw ng aktres kung saan nanggagaling ang mga taong nagagalit sa kanya sa social media. “I find it disturbing na may mga threats o pagmumura na. Siyempre artist ako, hindi nila ma­in­tindihan na ginagampanan ‘yung role, parang hin­di nila ma-separate siguro. Sana main­tindihan nila na ako mismo, sa sarili ko, hindi ko gusto ang script, ang lines na ginagawa ni Janine. Pero siyem­pre it’s my job na maging katotohanan ‘yung role ko,” pa­liwanag ni Erich. Reports from JAMES C. CANTOS                                                                                                                                        

vuukle comment

AKO

ERICH

JANINE

JULIA

RAYVER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with