^

PSN Showbiz

Natakot ‘makarma’ Julia personal na inabot ang imbitasyon ng debut kay Dennis?!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Natakot sigurong mawalan ng career si Julia Barretto kaya nakipag-ayos na sa amang si Dennis Padilla. Ayon sa isang source, pinuntahan ni Julia ang ama sa taping ng Deal or No Deal the other night at  umano’y inabutan ng imbitasyon para sa kanyang debut next month.

Ayon sa isang source, may nagpayo kay Dennis na sakaling imbitahan siya sa debut ng anak dapat mismong si Julia ang mag-aabot ng invitation sa kanya. Feeling ng source, nakara­ting ‘yun sa Star Magic, ang management group ng young actress. At obviously ay kinausap daw si Marjorie sa gusto ni Dennis hanggang makara­ting kay Julia.

At ‘yun nga, malamang na-realize raw ng mag-inang Marjorie at Julia na magbe-bene­fit pa ang young actress pag inimbitahan ang ama.

Ang alam pa ng isang source, ang step­­father ni Julia ang ga­gastos sa nasa­bing de­but. Huh! Meron ba siyang stepfather? Parang wala namang nakakaalam?

Maalalang ka­makailan lang ay nagsalita si Dennis na inisnab-isnab siya ng anak sa isang Christmas party kahit na pi­nagsabihin na siya ng isang talent ma­nager na batiin na niya ang ama.

Dinipensahan ‘yun ni Marjorie na hindi raw nakita ng anak si Dennis at sinabi pang dapat ang ama ang bumabati sa anak na mas napasama pa para sa young actress.

Anyway, true enough naman, malaking ganda points ang ginawa ni Julia sa pagpunta sa ama at umano’y pag-aabot ng perso­nal sa invitation para sa kanyang debut. ‘Yun nga lang may ilan pa ring nagdududa sa kanyang sincerity lalo na nga’t ipi­na­bubura niya ang apelyido ng komedyante sa kanyang pangalan.

Nag-apela nga lang sa korte si Dennis kaya umano’y itinuloy ang hearing.

Charo Santos magre-retire na

Magre-retire na pala this year si Miss Charo Santos-Concio as president ng ABS-CBN.

Ang kasalukuyang Cover­gence head na si Mr. Leo Katigbak ang balitang papalit sa posisyong iiwan ng dating aktres.

Pero hindi naman daw totally mawawala sa network ni Ms. Charo dahil magsisilbi pa rin siyang consultant ng network.

vuukle comment

AYON

CHARO SANTOS

CHARO SANTOS-CONCIO

DENNIS PADILLA

JULIA

JULIA BARRETTO

LEO KATIGBAK

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with