^

PSN Showbiz

Hindi na pala bago ang isyu: Female newscaster talakera raw talaga ‘pag lasing!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sanay na pala ang mga kaibigan ng isang lady newscaster sa kaingayan nito tuwing nalalasing. Yup, ayon sa isang source, hindi na bago ang pag-iingay nito ‘pag nakakainom. Ang bago lang sa pan­dinig ko ay tumadora pala ito. Wala sa hitsura niya ha. Pero ang kainuman daw talaga nito ay mga kabilang sa elite circle, yup as in namimili lang siya ng sasamahan.

Karespe-respeto ang pino-project na image ni lady broadcaster.

Well, wala namang masamang tumoma. Tutal naman wala siyang pineperwisyong tao.

James and Nadine ‘dinaig’ daw sa wansa sina Julia at Iñigo

Busy as a bee ang isa sa pinakasikat na love­team sa kasalukuyan na sina James Reid and Nadine Lustre.

Sa buong February and March pa lang pala, occupied na sila sa JaDine Fever Tour 2015 kasabay ng Reid Alert album promo.

Kaya naman todo ang pasasalamat ng magka-loveteam sa ipinakikitang pagmamahal sa kanila ng fans na lalong nadaragdagan pa. 

Latest na maituturing na achievement nila ay ang nominasyon nila sa MYX Music Awards para sa kanilang album.

Yes, kasama sila sa mga nominado kahanay ang mga bigating OPM singer na sina popstar ro­yalty Sarah Geronimo, Awit-award winning rapper Gloc-9, at rock chick Yeng Constantino.

Hindi inaasahan ng magka-loveteam na magkakaroon sila ng nomination sa MYX.

Katatapos lang din magbida ng magka-loveteam sa Maalaala Mo Kaya. Umere ang episode noong Valentine’s Day. Nag-no. 1 sa ­rating ang naturang episode at nag-trending din.

Bongga rin ang naging rating nang lumabas sila sa Wansapanataym ng magka-love­team at ayon sa isang source, dinaig daw ng Wansa ng magka-loveteam ang Wansa nina Julia Barretto at Iñigo Pascual.

Sa kasalukuyan ay naghahanda na sila para sa kauna-unahan nilang teleseryeng On the Wings of Love na eere na sa ABS-CBN very soon.

Nagsimula ang kasikatan nila sa pelikulang Ang Diary ng Panget.

vuukle comment

ANG DIARY

FEBRUARY AND MARCH

FEVER TOUR

JAMES AND NADINE

JAMES REID AND NADINE LUSTRE

JULIA BARRETTO

MAALAALA MO KAYA

MUSIC AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with