^

PSN Showbiz

Pinagtatawanan na: Dating sikat na sexy actress nag-iilusyong nakamana ng malawak na lupain at saku-sakong diamonds sa namatay na lolang reyna

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Kahit saang umpukang-showbiz ay ginagawang pulutan sa mga kuwentuhan ang kinauwian ng buhay ng isang dating sumikat na sexy actress na ngayo’y wala nang direksiyon ang kinabukasan.

‘Yun ang naging resulta ng kanyang kapabayaan, ng kanyang kapalaluan, inangkin nu’n ng sexy actress na ito ang mundo sa pag-aakalang hindi na titigil ang pagdating ng mga biyaya sa kanyang buhay at career.

Hindi dapat tularan ng kanyang mga kapwa artista ang babaeng ito na nang makatikim na ng pera at popularidad ay literal nang sinuwag ang mga taong naging dahilan ng pagginhawa ng kanyang buhay.

Sumagad ang kanyang kawalanghiyaan, tore ng kayabangan ang kanyang inabot, masyado siyang naniwala na walang kahit sino at kahit anong makasisira sa kanya. Du’n siya nagkamali.

Ang oportunidad na dumarating sa tao kapag hindi inalagaan at iningatan ay ipinahihiram sa ibang nangangarap. Ang popularidad kapag hindi kinayang dalhin ay siguradong aalpas, biglang magdidilim ang ningning ng bituin, hanggang sa isang araw ay humahalik na pala siya sa lupa.

Pinagtatawanan ng marami ang kanyang mga ilusyon. Kung pinaniwalaan niya ilang taon na ang nakararaan na may nakakulong na demonyo sa isang malaking garapon na tinaga-taga niya ay iba na naman ang kanyang trip ngayon.

Isa pala siyang tagapagmana nang napakalawak na lupain at saku-sakong diamonds dahil apo siya ng isang reyna. Kung saan niya ‘yun nahukay ay walang nakakaalam kundi siya lang.

Walang iniwan ‘yun sa kanyang kuwento na nang sumakabilang-buhay ang isang itinuturing na hari ng pelikula ay lumipat ang kaluluwa nito sa kanyang kotse kaya tumagilid na malapit na niyang ikaaksidente dahil sa sobrang bigat.

E, kumusta naman ang mga kuwento ng lambana na madalas daw niyang makitang lumilipad-lipad sa loob ng kanyang bahay? At kumusta na rin ang mga duwendeng pula na sumasama sa kanya sa shooting?

Mga duwendeng itim na kaya ang palagi niyang kasama ngayon kaya nagkakawindang-windang ang kanyang buhay at career? Sabi ng isang kakontemporaryo ng dating sumikat na sexy star, “Walang basagan ng trip! Ride na lang nang ride!”

Ubos!

Paika-ika sa paglalakad kahit sa maigsing distansya Sen. Bong malala na ang pananakit ng mga paa at likod

Sa pinakahuling pagdalaw namin sa PNP Custodial Center ay nasaksihan namin ang sakripisyong pinagdaraanan ni Senador Bong Revilla dahil sa matinding pananakit ng kanyang paa at likod.

Ang guwapo, kahit ngumingiwi, ay guwapo pa rin. Pero kitang-kita namin kung paanong kapag umaatake ang pananakit ng kanyang likod ay halos napapasubsob na siya sa mesa.

Sa sobrang pananakit ng kanyang mga paa ay paika-ika na siyang maglakad, maigsing distansiya lang ay napapagod na siya, kaya humiling ang aktor-pulitiko na sana’y mabigyan siya ng pagkakataong makapagpagamot-magpa-check-up kahit ilang araw lang.

Wala namang peligro kung sakaling pagbigyang makapagpagamot ang senador, kung ang ikinatatakot ng mga magbibigay ng go signal ay ang kanyang pagtakas, isang malaking kalokohan lang ang naglalaro sa kanilang isip.

Sana’y harap-harapan nilang makita ang pinagdaraanang hirap ni Senador Bong, sana’y madalas silang dumalaw sa Crame para masaksihan nila ang indultong pisikal na pinoproblema ngayon ni Senador Bong, kung pruweba lang ang kanilang hinahanap.

Sana naman ay bigyan ng importansiya ng mga nakaluklok ang karapatang-pangtao ni Senador Bong. Kailangan pa bang mabaldado na nu’ng tao bago siya paniwalaan sa kanyang dinaramdam?

Kaligtasan na ng buhay ang pinag-uusapan dito, hindi na ito pulitikahan lang, harinawang magkaroon ng puwang ang hiling ni Senador Bong Revilla sa mga kinauukulan.

vuukle comment

BONG REVILLA

CUSTODIAL CENTER

ISANG

KANYANG

LANG

SANA

SENADOR BONG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with