^

PSN Showbiz

Winwyn confident na makakasungkit ng title sa Binibining Pilipinas

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Suportado si Winwyn Mar­­quez ng kanyang mga magulang na sina Joey Marquez at Alma Moreno sa pagsali nito sa Bb. Pilipinas.

Tiyahin ni Winwyn ang da­ting Miss In­ternational-turned actress na si Melanie Marquez na tiyak na mag­bibigay ng poin­ters sa kanya na may kinalaman sa beauty competition.

Dahil nahulma na si Winwyn ng showbiz, dala na nito ang kan­yang pagiging confident sa sarili.

Marami ang naniniwala na malaki ang laban ni Winwyn among her co-candidates sa Bb. Pilipinas.

Alonzo first time rumampa  

Sa kauna-unahang pagkakataon ay rumampa ang child star na si Alonzo Muhlach sa 5th Baby Grand Fair ng Baby Company na ginanap sa Mega Trade Hall ng SM Megamall last Saturday afternoon along with other kids and fashion models. Dito ay nakasama rin ni Alonzo ang kanyang three-year old-cou­sin na si Amalia Margarita Dominique na may palayaw na Dominique, anak ng mag-asawang Albert Muhlach at Nikki Re­yes. Si Albert ay naka­babatang kapatid ng matinee idol na si Aga Muhlach.

Since nasa dugo talaga ng mga Muh­lach ang showbiz na sinimulan ng movie icon na si Amalia Fuentes na sinundan nina Niño, Aga, Arlene, Liezel, Almira, at AJ Muh­lach hindi talaga maawat ang pagsibol ng bagong generasyon ng ka­nilang angkan sa industriya.

Mabilis ang pagsikat ni Alonzo at nga­yon naman ay si Dominique na apo ni Cheng Muhlach, ama nina Arlene, Aga, Almira, Albert, Barok, at AJ.

Habang hindi pa nagsisimula ang fa­shion show ay enjoy si Alonzo na kalaro sa backstage ang ibang bata na kalahok sa nasabing baby fashion fair.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALBERT MUHLACH

ALMA MORENO

ALMIRA

ALONZO

ALONZO MUHLACH

SHY

WINWYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with