^

PSN Showbiz

Sex video ni Sarah hindi kapani-paniwala

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

At ito naman ang hindi kapani-paniwala, ang pagkakaroon umano ng sex video ni Sarah Geronimo. Nag-iisa ba siya sa nasabing vi­deo o may kasama? At kung meron, sino naman ito?

Naubusan na ba ng mga materyal ang mga gustong manggulo ng mga artista kung kaya nakakapagpalabas ng ganitong mga isyu? I’m sure maging si Sarah ay mamamatay sa kaiisip. May mga sitsit kasi na mahirap paniwalaan at kahit makita mo nang harapan ay hahanapan at hahanapan mo ng butas dahil sigurado kang kasinu­ngalingan lamang ito. ‘Di ba, Sarah?

Luis mas priority ang kasal kesa pulitika

Malamang mas mauunang magdesisyon tungkol sa kanyang pagpapakasal si Luis Manzano kaysa sa kanyang pagpasok sa pulitika.

Kung ganyang pati ang kakanta sa kanilang kasal ay napag-uusapan na rin nina Luis Manzano at Angel Locsin, malamang mas maunang pagdesisyunan ng anak ni Gob. Vilma Santos ang kasal nila ng nobya niyang aktres kaysa ang matagal na iniuungot sa kanyang pagtakbo sa puiltika bilang mayor ng Lipa City.

Minamadali lang naman ang TV host dahil mabilis ang takbo ng panahon. Bukas makalawa ay kinakailangan na niyang mag-file ng kanyang certificate of candidacy para naman may panahon pa sa papalit sa kanya kung sakaling mapagpasyahan nga niyang huwag tumakbo.

Hindi naman natin masisi si Luis. Maganda ang takbo ng karera niya sa showbiz, mas maaasahan at maituturing na mas matahimik kaysa sa kung lulugar siya sa napakagulong mundo ng pulitika na susubukan pa lamang niya.

Mga pulitiko nagsisimula nang magpa-pogi

Ramdam na ramdam mo na talaga ang pagda­ting ng nalalapit na eleksyon. Marami na ang nagsisimulang magpapogi kundi man magpaganda sa publiko. Nasa sentro na naman hindi ang mga ta­tak­bong pulitiko kundi ang mga nagpapatakbo ng karir nila sa pulitika. Gagawin nila ang lahat para ma­ipanalo ang mga sinusuportahan nila dahil ang tagumpay ng mga ito ay malaking tagumpay din nila.

It seems pagdating sa pulitika ay hindi pa rin na­tututo ang maraming bumoboto. Pero masisisi ba natin sila kung mas matimbang sa kanila ang pag­lalagay ng laman sa kanilang mga tiyan kaysa ang pag­lalagay ng tao sa gobyerno na magbibigay ng ka­unlaran sa ating bansa? Siguro bawasan muna natin ang mga mahihirap na nagugutom bago tayo makaasa ng isang mapayapa at magandang pagpili ng mga magpapatakbo ng ating bansa.

 

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

LIPA CITY

LUIS

LUIS MANZANO

SARAH GERONIMO

SHY

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with