^

PSN Showbiz

Naghayag ng saloobin sa Fallen 44 Dingdong hindi rin nakapagpigil kahit kaibigan si P-Noy

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naging controversial ang post ni Dingdong Dantes sa Instagram (IG) clamouring for truth sa nangyari sa SAF Fallen 44. May mga nagsabing baka isipin ng kampo ni President Noynoy Aquino na ma-antagonize niya ito at ang kampo nito and in the process, masira ang friendship nila.

Pero mas marami ang bumilib kay Dingdong dahil kahit close siya kay P-Noy ay nagpahayag pa rin siya ng kanyang saloobin at nararamdaman sa national issue. Wala naman talagang masama sa post ni Dingdong na nakisimpatiya sa families ng 44 victims at naghahanap ng truth and justice para sa mga biktima.

Sinagot din ni Dingdong ang nag-comment na dahil kaibigan niya si P-Noy, heto ang kanyang sagot:

“This is a post to signify grief and to give due honor and respect to the lives of our uniformed men. Today is a day of mourning. Tomorrow, start pointing fingers all you want. I will not allow you to do that now in my platform. With all due respect to your opinion.”

Kahit may mga concern na baka maapektuhan ang friendship nila ni P-Noy, hindi dinelete at walang binago si Dingdong sa kanyang post. He is for the truth and justice at ‘wag nang haluan ng intriga.

Carla atat na atat kay Katy Perry

Tiyak na matutuwa si Carla Abellana sa balitang magko-concert dito sa bansa natin ang favorite niyang si Katy Perry. Ang singer mismo ang nag-announce nito na dadalhin niya sa Pilipinas ang kanyang Prismatic World Tour  sa May 7 at sa Philippine Arena ang concert.

Big fan si Carla ni Katy Perry at last November, dumayo pa siya sa Australia para panoorin ang concert nito. Ngayon pa ba siya hindi manonood kung kailan sa bansa gagawin ang concert? Hindi kami magugulat kung sa first day release ng ticket, bibili na agad si Carla.

Samantala, malapit nang matapos ang bahay na ipinapatayo nina Carla at ng kanyang pamilya. Pinost ng inang si Rea Reyes ang pictures ng bahay sa Instagram (IG) at puwede na nilang tirahan.

Malaki ang bahay dahil pati ang lola ni Carla na si Delia Razon ay may kuwarto. Tama ba kaming sa Tagaytay ipinatayo nila Carla ang bahay?

Samantala, walang masyadong balita kina Carla at Tom Rodriguez, pero may mga sightings sa kanila.

vuukle comment

CARLA

CARLA ABELLANA

DELIA RAZON

DINGDONG DANTES

INSTAGRAM

KATY PERRY

NOYNOY AQUINO

P-NOY

PHILIPPINE ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with