^

PSN Showbiz

Toni at Direk Paul kasado na ang kasal ngayong 2015

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang balita na ibinalik ng mga naulila ng Fallen 44 ang mga plake at medalya na ipinagkaloob sa kanila ni President Noynoy Aquino.

SCENE: Ang pag-amin kahapon nina Paul Soriano at Toni Gonzaga  sa The Buzz na engaged na sila noong January 21. 

SEEN: Iniyakan ng tatay ni Toni Gonzaga ang marriage proposal ni Paul Soriano sa kanyang anak. 

SCENE: Ang kumpirmasyon nina Paul Soriano at Toni Gonzaga na magaganap ngayong taon ang kanilang kasalan.

SEEN: Isinali na naman ni Kris Aquino ang sarili sa love story nina Paul Soriano at Toni Gonzaga dahil lumuluha siya nang sabihin niya na ipinagdasal nila ng kanyang mga anak ang pag-amin na gagawin  kahapon nina Paul at Toni sa The Buzz. “It’s all about us” again. 

SCENE:  Kinontra ni Floyd Mayweather, Jr. ang mga balita na matutuloy na ang laban nila ni Manny Pacquiao ngayong 2015. “Fight not made yet” ang statement ni Mayweather, Jr. 

SEEN: Magkasama na pinanood nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli ang concert ni Michael Buble sa Mall of Asia Arena noong Sabado.

SCENE: Ang report ni Dra. Vicki Belo na babalik na si Willie Revillame sa TV at mapapanood ito sa GMA 7 tuwing Linggo. 

SEEN: Ang balita na dadalo sa kasal nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero ang ina at ama ng aktres, taliwas sa mga sinasabi ni Heart na hindi siya sigurado kung makararating ang kanyang mga magulang.

 

vuukle comment

FLOYD MAYWEATHER

HEART EVANGELISTA

KRIS AQUINO

MALL OF ASIA ARENA

MATTEO GUIDICELLI

PAUL SORIANO

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with