^

PSN Showbiz

Walang rason para ‘di siputin... Kasalang Chiz at Heart nasa schedule ni P-Noy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Bestman si P-Noy sa Balesin wedding nina Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero sa February 15.

Hindi totoo ang kumakalat na tsismis na hindi sisipot si P-Noy sa importanteng okasyon sa buhay nina Heart at Papa Chiz dahil nasa schedule niya ang dumalo ‘no!

Wala akong maisip na reason para isnabin ni P-Noy ang kasal nina Heart at Papa Chiz. Una, matagal nang nakalagay sa appointment  niya ang kasal na pupuntahan sa February 15 at pangalawa, hindi naman ito katulad ng arrival honors sa Villamor Airbase noong Huwebes na biglaan at wala sa kanyang schedule.

Saka personal na kilala ni P-Noy si Papa Chiz. Malalim ang kanilang friendship, hindi kagaya ng 44-PNP-SAF na hindi niya kilala. Fact at hindi bluff  ang statement ko  dahil mismong si P-Noy ang nagsabi na hindi siya pumupunta sa mga dead na hindi niya knows.

Bangkay ng isa sa Fallen 44 itinali pa sa kawayan ang kabaong para madala sa kanilang bahay

Ang sakit sa dibdib ng news ng GMA 7 tungkol kay PO3 Robert Allaga ng Banaue, Ifugao.

Kabilang si Allaga sa mga pulis na pinatay sa Mamasapano, Maguindanao at iniuwi na sa Benguet ang kanyang bangkay noong Sabado.

Para maihatid sa bahay niya ang labi ni Allaga, itinali sa kawayan ang kabaong na kinalalagyan ng kanyang katawan at binuhat ng apat na pulis dahil hindi puwedeng makadaan sa terrain ang mga sasakyan.

Nakita ko ang litrato na inilabas ng GMA News at nakalulungkot talaga ang eksena. Sa picture pa lang, naramdaman ko na ang sakit ng kalooban ng mga magulang at kamag-anak ni Allaga. 

Baka matulad sa Typhoon Yolanda

Donasyon sa mga pulis na pinatay dapat idiretso sa mga kamag-anak

Willing ako na magbigay ng donasyon sa mga biktima ng Mamapasano massacre pero hindi ko idedeposito sa mga bank account na binuksan ng pamahalaan.

Ibibigay ko nang diretso sa mga naulila ang donasyon dahil ayoko nang maulit ang nangyari sa mga tulong na ibinigay sa Typhoon Yolanda victims na hindi naman napakinabangan o nakarating sa kanila.

Alam ko ang sinasabi ko dahil mismong ang Yolanda victims ang nagkukuwento na hindi nakaabot sa kanila ang mga tulong na nabasa lamang nila sa mga diyaryo at napanood sa mga television news program.

Mga kuwento ng insider sa meeting ni P-Noy at mga magulang ng biktima nakakaloka

Ang mga eksena sa Camp Bagong Diwa noong Biyernes ang topic sa baptismal reception ng apo ni Dolor Guevarra.

Humabol ako sa reception dahil tinapos ko muna ang live telecast ng Startalk noong Sabado.

Nakakaloka ang mga kuwento na galing sa isang insider at hindi natin napanood sa TV dahil ipinagbawal nga ang media sa dialogue ni P-Noy sa mga naulilang pamilya ng mga biktima.

At least, nalaman natin na hindi sapat ang mga plake at medalya ng kagitingan para mabawasan ang hinagpis na nararamdaman ng mga nawalan ng mga mahal sa buhay.

Nanay ni Ryzza Mae Dizon maganda ang aura

Nagkita kami ni Ryzza Mae Dizon at ng kanyang nanay sa baptismal reception.

Nagbigay-pugay sa akin si Ryzza Mae pero sandali lang. Naloka yata ang bagets nang hanapan ko siya ng Christmas gift kaya ang nanay niya ang lumapit sa akin.

Kasama ng madir ni Ryzza ang boyfriend nito. Malapit nang maging  ate si Ryzza dahil walong buwan na ang sanggol na ipinagbubuntis ng kanyang tanging ina.

Maganda ang aura ng nanay ni Ryzza kaya may duda ako na baby girl ang isisilang niya.

vuukle comment

ALLAGA

DAHIL

P-NOY

PAPA CHIZ

RYZZA

RYZZA MAE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with