^

PSN Showbiz

Martin nakokonsensiya pa rin sa ginawang pananakit noon kay Pops

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Walong taong gulang na si Santino, ang bunsong anak at kaisa-isang anak ng Concert King Martin Nievera sa ex-GF nitong si Katrina Ojeda na naka-base sa Las Vegas, Nevada.

Martin shuttles from Las Vegas to the Philippines dahil narito sa Pilipinas ang bulk ng kanyang trabaho. But since may trabaho rin siya sa Las Vegas at ibang parte ng Amerika, he makes it a point na may oras siya sa kanyang bunso na ang paboritong lugar ay Disneyland sa Anaheim, California.

Sa pocket presscon ng Ultimate two-day concert na gaganapin sa SM Mall of Asia Arena on February 13 & 14 na pagsasamahan nila nina Gary V., Regine Velasquez at Lani Misalucha, inamin ni Martin na memoryado na niya halos ang lahat ng sulok ng Disneyland dahil kay Santino na kailangan niyang ipasyal sa tuwing siya’y nasa Las Vegas.

Turning 53 on February 5 at 33 years in showbiz, hindi ikinakaila ni Martin na marami siyang natutunan sa buhay at kasama na rito ang kanyang failed marriage with his ex-wife na si Pops Fernandez who remain his good friend up to this day.

Hindi ikinakaila ni Martin na sinaktan niya si Pops na siyang naging dahilan ng kanilang pagkakahiwalay at ang guilt na ‘yun ay dala-dala pa rin niya hanggang ngayon.

“Pops and I are beyond friends now,” pag-amin ni Martin.

Hindi rin kaila kay Martin na marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ni Pops ang umaasa na sila’y muling magkabalikan considering na hanggang ngayon ay wala pa rin silang kani-kanyang pamilya pero mas maganda umano ang relasyon nila ni Pops ngayon kahit magkahiwalay sila pero magkatuwang pa rin bilang mga magulang ng kanilang two grown up sons na sina Robin at Ram.

vuukle comment

CONCERT KING MARTIN NIEVERA

GARY V

KATRINA OJEDA

LANI MISALUCHA

LAS VEGAS

MALL OF ASIA ARENA

MARTIN

POPS AND I

POPS FERNANDEZ

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with