^

PSN Showbiz

Dahil sa pagda-diet at pagpapalaki ng katawan, hunk actor malansa ang amoy

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Malinis naman siyang tingnan. Mukhang naliligo naman siya araw-araw. Parang kumpleto naman siya sa mga branded stuff para ipahid sa buo niyang katawan kung kinakailangan.

Pero bakit sa kabila nu’n ay may napapansin pa rin ang marami tungkol sa kakaibang singaw ng katawan ng isang hunk actor? May kakaibang Smellany Marquez (read: amoy) daw ang male personality na hindi kagandahan sa ilong?

Kuwento ng isang source, “Nu’ng minsang nagkaroon siya ng pocket interview, e, talagang malapitan lang ang distance niya sa mga reporters. Maganda pa rin ang katawan niya, dainty looking naman siya.

“Pero nu’ng magtagal-tagal na sila, meron nang kakaibang naaamoy ang mga nag-iinterbyu sa kanya. Parang masangsang ‘yun na parang malansa. Nagtatanungan na ang mga mata ng mga nag-iinterbyu sa kanya.

“Pagkatapos ng interview, e, natural lang na nagpista ang mga reporters. Iisa lang ang comment nila, si ____(pangalan ng hunk actor) ang nangangamoy, dahil nu’ng umalis na siya, e, kasama na niyang nawala ang aromang malansa!” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Naisip ng magkakagrupo, mahilig nga palang magpalaki ng katawan ang male personality, napabalita pa ngang gumagamit siya ng kung anong injectable na mabilis magpalobo ng mga muscles.

“Saka mahilig siyang mag-diet, kung anu-anong pills ang iniinom niya, ‘yun siguro ang dahilan kung bakit ganu’n ang singaw ng katawan niya!” naisip ng tropa.

Sila na mismo ang nagsabi na hindi ngayon at mukhang malinis ang tao ay mabango na. Hindi ngayon at puro branded ang suot ng tao ay wala na siyang kapintasan. At hindi sa lahat ng panahon ay positibo ang resulta ng pagdidiyeta.

Ubos!

Jim, Leah at Bianca, tinatakan na ang pagiging epal!

Epal kung bansagan ng ating mga kababayan sina Jim Paredes, Leah Navarro at Bianca Gonzales. Mabuti nga at mukhang napaso na si Tuesday Vargas na dati’y katulad din ng tatlo na palaging nakikisawsaw sa halos lahat ng isyu sa lipunan.

Maganda sanang senyal ang ganu’n, ibig sabihi’y mulat sila sa mga kaganapan sa ating bayan, kaya nga lang ay hindi naman nila mapipilit na sumang-ayon sa kanilang pananaw ang lahat ng ating mga kababayan.

Sa isang panahong puwedeng sabihin na galit ang buong bayan kay Pangulong Noynoy Aquino ay pumagitna si Leah Navarro para ipagtanggol ang Commander-In-Chief na absent nang dumating sa Villamor Air Base ang mga bangkay ng SAF-44.

Maigsi lang ang kanyang tirada, pero isandaang doble nu’n ang balik-bira sa kanya ng netizens, may isa pa ngang nagkomento na kapag laos na raw ang isang personalidad ay meron nang sobra-sobrang panahon para magpakaepal sa mga isyu ng bayan.

Ang pagtatanggol kay P-Noy ngayon ay isang malaking suicide. Napakataas pa ng emosyon ng buong bayan, lugmok pa sa pagdadalamhati ang mga pamilya ng SAF-44 na hindi nakaramdam ng pagmamahal at importansiya mula sa kanilang pangulo, dahil mas inuna pa ni P-Noy ang pagdalo sa imbitasyon ng isang car factory kesa sa salubungin-saluduhan ang mga pulis na namatay habang ipinagtatanggol ang bayan na kanyang pinamumunuan.

Pati si Kris Aquino ay pinupupog ngayon sa social media, lahat ng komento nito ay kinokontra ng mga kababayan natin, walang nagawa ang damage control na naisipan ni Kris para lumambot ang kalooban ng mga inulila ng SAF-44.

“The late P-Noy” ang tawag sa pangulo nu’ng nakaraang Biyernes nang late na late na siyang dumating sa necrological service para sa mga itinuturing nating bagong bayani. Kasi naman ay napakarami palang rekotitos munang pinalulutang ang mga taong nakapalibot sa pangulo.

Kailangan daw bawasan ang mga bulaklak sa lugar dahil allergic siya sa pollen. Dapat daw ay naka-secure na ang isang waiting area para sa kanyang paninigarilyo.

Ganu’ng sinunod namang lahat ang kanilang hiningi ay parang hindi pa rin naman umepekto ‘yun dahil nang magsimula nang magsalita si P-Noy ay ubo pa rin naman siya nang ubo!

vuukle comment

BIANCA GONZALES

ISANG

JIM PAREDES

LEAH NAVARRO

NAMAN

P-NOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with