^

PSN Showbiz

James walang paki kahit tinawag na bayot si Bimby

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bibigyan ng Sunday All Stars ng tribute ang 44 Fallen Heroes na ipinagluluksa ng ating bansa.

Pangungunahan ni Regine Velasquez ang special number na iaalay nila sa ating mga bagong bayani na sasamahan nina Jaya, Janno Gibbs, Kyla at Christian Bautista.

PAK: Natutuwa si Jennylyn Mercado na ikinuwento sa aming nabuo na nila ang mga special guest nila sa kanyang Valentine concert sa February 13 na pinamagatang Oo Ako Na, Ako Na Mag-isa, Samahan ‘Nyo Naman Ako, na gaganapin sa SM Skydome.

Bukod sa buong cast ng English Only, Please kung saan kabilang din si Derek Ramsay, special guest din ni Jennylyn sina Mark Herras at Dennis Trillo.

Ang sabi nila, doon na raw ilalabas ni Jennylyn ang totoong kuwento ng lovelife niya. Kaya ang duda ng karamihan, aamin na kaya sila doon ni Dennis?

“Hindi talaga, hindi pa ako handa eh. Siguro wala pa rin akong oras eh. Friends lang talaga kami eh. Nakakasama ko lang siya sa training eh,” pahayag nito.

Natutuwa lang daw siya dahil naging kaibigan na raw niya ang mga ex-boyfriends niya bukod lang kay Luis Manzano.

“Darating din tayo riyan! Antayin natin ‘yan,” bulalas ni Jennylyn.

Pero wala raw sa plano niya na i-invite sina Luis at Angel Locsin na manood ng concert niya.

BOOM: Nakarating kay James Yap ang ilang pamba-bash sa anak nila ni Kris Aquino na si Bimby Yap, na ikinairita raw ng Queen of All Media nang merong isang tumawag dito na “bayot”.

Hindi na lang ‘yun pinansin ni James, dahil nakikita naman daw niyang hindi ganun ang anak niya.

Sabi ng kilalang basketbolista: “Ganyan talaga ang makukuha mo pag nasa ganitong ano nasa showbiz ka. Siyempre nirerespeto natin kasi, hindi naman tayo pare-pareho iniisip. May kanya-kanyang ano.

“Well, sa tingin ko ‘yung anak ko naman nakikita ko ‘pag nakakasama ko wala namang ganun. Alam ko naman kung ano ‘yung anak ko.

“Comment lang ‘yun. Lahat naman tayo puwede mag-comment, ‘yun nga lang hindi maganda. Wala tayong magagawa dahil hindi natin hawak.”

vuukle comment

AKO NA MAG

ANGEL LOCSIN

BIMBY YAP

CHRISTIAN BAUTISTA

DENNIS TRILLO

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

FALLEN HEROES

JENNYLYN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with