^

PSN Showbiz

Eula mas piniling makasama si Jean kesa magbida sa teleserye!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Magtataka ka talaga kapag nalaman mo na sa dinami-dami ng mga proyekto na inoffer ng GMA sa beterana at magaling na aktres  na si Eula Valdez na ang iba ay full length ang role niya, ang guesting niya sa The Half Sisters ang pinili niya. Hindi mo naman siya masisi dahil nabasa niyang very challenging ang magi­ging role niya sa serye sa hapon na pinagbibidahan nina Jean Garcia, Bar­bie Forteza, Thea Tolentino, Gloria Romero, Ryan Eigenmann, at marami pa. Pinakamalaking come on ng serye sa kanya ay ang pagkakataon na ma­kakasama niyang muli ang mga kaibigan niyang sina Jean Garcia, Jomari Yllana, at ang direktor ng serye na si Mark Reyes.

“Exciting makasamang muli si Jean dahil nagus­tuhan ng manonood ‘yung pag­­sasama namin sa Pangako sa ‘Yo. Meron pala ka­ming chemistry kaya madali kaming tinanggap ng manonood bilang tandem. May cult following na kami. Gusto ko ring makasama ulit si Gloria Romero. Bata pa ako nang una ko siyang nakasama sa isang project, kasama si Juancho Gutierrez,” anang aktres na hindi salbahe ang role bagaman at tatangkain niyang agawin kay Jean si  Jomari. “Pero hindi sadya. Hindi ko alam na may sitwasyon sila in the past. Basta mai-in love lang ako rito kay Jom,” dagdag pa ni Eula na huling napanood sa Kapuso Network sa seryeng Ilustrado.

Sa  ikalawang linggo pa ng Pebrero sila magkakabula­gaan ni Jean, pero si Jomari ay nakita na.

Alex at Matteo susubukan ang chemistry

Bago sa serye nilang Inday Bote, magtatambal sa unang pagkaka­ta­on sina Alex Gonzaga at Matteo Guidicelli sa isang drama-comedy epi­sode ng Maalaala Mo Kaya mamayang gabi. Gaganap sila bilang sina Jo­celyn at Marlon, ang magkarelasyon na kauna-unahang nagwagi ng P1M jack­pot sa isang laro ng It’s Showtime noong 2012.

Makakasama nina Alex at Matteo sina Kyline Alcantara, Kim Molina, Zeppi Borromeo, at Maila Gumila. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Raz De La Torre.

 

vuukle comment

ALEX

ALEX GONZAGA

GLORIA ROMERO

JEAN GARCIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with