^

PSN Showbiz

Julia never naisip sumali sa beauty pageant

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Mahigit isang dekada na ngayon ni Julia Montes sa show business at para sa aktres ay gusto pa niyang makagawa ng maraming proyekto. Sana raw ay marami pang challenging roles ang magawa ni Julia.

Lahat ng naiisip kong character medyo naging in. Abangan natin kung ano pa ‘yung maiisip ko in the future na role. Swerte lang ako na ‘yung mga na­­bi­bigay sa akin challenging talaga and hindi ko ini-expect,” nakangiting bungad ni Julia.

    Samantala, pagdating naman sa buhay pag-ibig ay aminado ang dalaga na wala pa rin siyang kasintahan sa ngayon. “Siguro kaya ayoko ipasok sa isip ko kasi alam ko sa sarili kapag meron akong gusto or meron akong love na isang bagay, or isang tao or family ko, super all out ako I think. ‘Pag sa family ko no reg­rets, just love,” pa­liwanag ng aktres.

Marami raw ang humihikayat sa dalaga na sumali sa isang beauty pageant katulad ng Binibining Pilipinas dahil malaki ang tsansa nitong manalo.

Before no’ng bata ako mahilig talaga ako manood ng mga ganyan. Nililista ko po kung sino ‘yung nakapasok sa top ten, sa top five, ganyan. Pero kung ako mismo papasok, hindi. Hindi pumapasok sa isip ko kasi kung Kapamilya chat nga kinakabahan ako, paano pa kaya ‘yung ire-represent ‘yung buong Pilipinas? Med­yo hindi kaya. Siguro ayoko i-risk ‘yung isang bagay or ayokong ma-disappoint ang kapwa ko Pinoy kung madi-disappoint ko sila sa pageant mismo,” kwento ni Julia.

Empress wini-wish na alagaan ng mga boss sa Kapuso

Kamakailan ay lumipat na sa Kapuso network si Empress Schuck. Nagpaka-daring na raw ngayon ang aktres sa kanyang bagong proyekto.

Kabado ako, kasi parang Oh my God, ginawa niya iyon?’ Natural lang naman ‘yung gano’ng pakiramdam. Kasi no’ng nasa ABS-CBN ako, hin­di naman ako naging daring do’n. Hindi pa ako nakipag-kissing scene, ngayon ko lang talaga ‘yon ginawa,” pagbabahagi ni Empress. Pitong taong gulang pa lamang nang nagsimulang mag-artista si Empress sa Kapamilya network at nakapagpaalam naman daw siya nang maayos sa kanyang ginawang paglipat.

Kinausap ni Tita Becky (Aguila, talent ma­nager) ang ABS-CBN kung ano’ng plano sa akin. They told us to wait, kung willing daw kaming maghintay, eh ‘di okay daw. Pero kung may offer naman daw, go naman daw. So nagpaalam naman kami no’ng nag-offer na ‘yung GMA. Nagpaalam kami and okay naman daw. So siguro‘yon na ‘yung sign talaga,” kwento ng aktres.

Sana alagaan nila ako kasi siyempre kapag inalagaan nila ako, aalagaan ko rin sila at magiging lo­yal din ako,” makahulugang pagtatapos ni Empress. 
Reports from JAMES C. CANTOS 

vuukle comment

AKO

JULIA

KUNG

LEFT

NAMAN

SHY

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with