^

PSN Showbiz

Sabi ng doctor bahay-bata ni Regine batang-bata pa, keri pang magbuntis

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Bata pa ang matris na Regine Velasquez at kering-keri pa niyang sundan ang panganay nila ni Ogie Alcasid na si Nate. Mismong ang OB Gyne na niya ang nagsabi sa kanya na puwedeng-puwede pa ang bahay-bata niya para sa isa pang anak. Pero hindi na pini-pressure ni Songbird ang kanyang sarili. “Kung kailan na lang ibibigay ni Lord, hihintayin ko na lang,” sabi ni Regine sa isang interview kahapon para sa Ultimate Valentine concert kasama sina Martin Nievera, Gary Valenciano and Lani Misalucha na gaganapin sa Feb­ruary 13 and 14 sa MOA Arena.

Pero gusto rin nitong i-try ang invitro fertilization if ever.   “We were really open to it before pa, kasi nga parang jonders (matanda) na,” natatawa niyang pag-amin.

Luis hindi pa sigurado sa pagka-mayor, Captaib Barbell idinenay

Hanggang ngayon, 50/50 pa rin si Luis Manzano kung kakandidato siya sa 2016 elections.

Hindi pa raw niya alam kung sasabak ba siya o magko-concentrate na lang sa career niya.

Kailangan pa raw nila uling mag-usap ng kanyang stepdad na si Sen. Ralph Recto.

“One foot is in yes, one foot is no. The question is which foot moves to the other side,” sabi ni Luis kahapon sa launching niya as official endorser ng Puregolds Perks Card.

Matagal nang hinihintay ang sagot ni Luis kung kakandidato siya o hindi dahil tapos na ang termino ng kanyang mommy na si Gov. Vilma Santos sa Batangas.

Sinabi rin ni Luis sa nasabing presscon na hindi siya ang gaganap na Captain Barbell contrary sa mga bulung-bulungan. “Ang Captain Barbell ay pang-leading man ‘yan. Ako hindi,” sabi ng aktor na kung tutuusin naman ay pang-leading man siya. Kasama sa mga nababalitang gaganap na Captain Barbell sina Xian Lim at Coco Martin na kapwa rin nag-deny.

Perfect daw kasi siya for the role dahil batu-bato ang katawan niya. Pero ayon kay Luis, walang offer sa kanya. Ang definite na gagawin niya ay ang magbabalik sa ereng Kapamilya Deal or No Deal na may plugging na.

Besides ayaw na raw ni Luis ngaragin ang sarili sa kaliwa’t kanang trabaho dahil once na magsimula ang Deal or No Deal na daily mapapanood plus weekend show, Sunday na lang ang pahinga niya.
Samantala, nag-request si Luis ng sandaling pananahimik para ipagdasal ang tinatawag na 44 Fallen Heroes na sinasabing namasaker sa Maguindanao sa ginanap na presscon para sa kanya ng Pureguold.

 

vuukle comment

CAPTAIN BARBELL

LEFT

LUIS

NIYA

NO DEAL

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with