^

PSN Showbiz

Jaclyn Jose hindi pinag-iinteresang alamin ang nangyayari sa buhay ni Andi

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama ang viewers ng More Than Words, nag-a-adlib kung minsan si Jaclyn Jose sa lines niya na sa halip na makasira ay nakakatulong para mas gumanda ang series. Pati yata ang ibang body mannerisms ng aktres na ginagawa ay sarili niyang atake.

Si Janine Gutierrez ang gumaganap na anak ni Jaclyn sa serye na gustung-gusto niya dahil mabait, masayang katrabaho, hindi niya nakitang sumima­ngot, laging naka-smile at magaling umarte.

Si Janine ang favorite niya sa girls ng GMA-7 at sa lalaki, si Alden Richards. Alam daw ni Janine kung paano magtagal sa industry.

Maintriga ang sagot ni Jaclyn sa tanong kung may youngstars siyang ayaw makatrabaho, hindi raw youngstar kundi isang senior actress. Hindi nito pinangalanan ang aktres at baka sumikat at magpa-interview pa nga naman. Dine-dedma siya nito sa last time na magkasama sila sa isang soap at akala’y nagpapa-star siya.

Samantala, parang hindi alam ni Jaclyn na nasa Singapore ang anak na si Andi Eigenmann kasama ang ilang kaibigan at si Jake Ejercito dahil parang nagulat nang tanungin ng press. Ang sabi nito, allowed si Andi na gawin ang gustong gawin dahil matanda na ito at may anak na nga.

Bea at Jake mahusay magtago

Naniniwala si director Richard Somes na hindi makakaapekto sa chances sa box-office ng Liwanag sa Dilim ang nakumpirma sa presscon ng pelikula ng APT Entertainment na hindi na couple sina Bea Binene at Jake Vargas. Maganda raw ang pelikula at panonoorin kahit hindi fans ng Jabea.

Nagulat si Direk Richards na may problema pala sa relasyon ng dalawa at sa presscon lang niya nalaman dahil wala siyang nahalata sa shooting.

Sa presscon kasi, nakita sa body language ng da­lawa na may problema sila, lalo na sa kaso ni Bea na hindi naitago ang lungkot ng mga mata. After the presscon, mas naunang umalis si Bea kasama ang ina at hu­ling umalis si Jake kasama ang kapatid.

Siguro naman, dadalo sina Bea at Jake sa premiere night ng Liwanag sa Dilim sa February 8 sa SM Megamall.

Bagong title ng movie nina Kathniel, mas nakakakilig

Hindi na There was a Boy, There was a Girl ang title ng post-Valentine movie nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Pinalitan ng mas kilig na title na Crazy Beautiful You sa direction ni Mae Cruz.

Showing sa February 25 ang Star Cinema movie na inaabangan na ng fans nila. Sa mga pino-post na behind-the-scenes o BTS na pictures sa Instagram (IG) nina Daniel at Kathryn, lalong na-i-excite ang fans na mapanood na ang pelikula. 

Sayang at hindi tumama sa Valentine’s Day ang showing ng movie, sabagay, Saturday din naman ang Feb. 14.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANDI EIGENMANN

BEA

JACLYN

LEFT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with