^

PSN Showbiz

Kris Aquino hindi man lang nagpakita ng pakikiramay

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ngayon ang National Day of Mourning na idineklara ni P-Noy dahil sa mga miyembro ng PNP- Special Action Force na pinatay sa Maguindanao noong Linggo pero siya ang wala kahapon nang dumating ang mga bangkay sa Villamor Airbase.

Sorry pero the height of insensitivity ang ginawa ni P-Noy na mas pinili  na dumalo sa inauguration ng isang kompanya ng kotse sa Laguna.

Hindi na natin masisisi ang mga kababayan natin sa pagbatikos kay P-Noy dahil nakalulungkot talaga ang hindi niya personal na pagsalubong sa mga nasawi na nagbuwis ng buhay para sa bayan.

Sana man lang, kung hindi nakarating si P-Noy, nagpunta sa Villamor Airbase ang Aquino sisters para makiramay sa mga naulila ng mga kinatay na pulis.

Kung umapir si Kris Aquino sa Villamor Airbase, baka nabawasan ang galit na nararamdaman ng mga tao sa kanyang kapatid. Malay natin, baka may mga tagahanga si Kris sa mga pinatay na pulis. (Nabasa ko po sa kanyang Instagram account na isinabay na niya sa pagdarasal sa Manaoag church ang mga kamag-anak ng mga namasaker sa Maguindanao. - SVA)

Binay inuna ang pakikidalamhati kesa damayan ang anak at asawa

Ikinumpara na naman si P-Noy kay Vice-President Jojo Binay na nagpakita sa Villamor Airbase, naglagay ng black ribbon sa bisig at nakiramay sa mga naulila ng mga nasawi.

Real-life family drama ang nasaksihan kahapon sa TV ng mga Pilipino dahil habang nasa Villamor Airbase si Papa Jojo at ang kanyang anak na si Senator Nancy Binay, dinakip at dinala sa senado si Makati City Mayor Junjun Binay habang ang asawa naman niyang si Dr.  Elenita Binay  ay humarap at binasahan ng sakdal para sa kasong graft sa Sandigan.

Maiintindihan ng publiko si Papa Jojo kung hindi ito nagpakita sa Villamor Airbase dahil kailangan siya ng kanyang anak kesa sa isang presidente ng Pilipinas na imbes na makiramay, dumalo sa inauguration ng isang planta ng kotse!

Mga nagbuhat ng kabaong ng pulis, mabigat ang pag-iyak

Tumulo ang luha ko habang pinapanood ko kahapon sa TV ang live coverage ng pagdating sa Villamor Airbase ng mga pinatay na PNP-SAF.

Bato ang puso mo kung hindi maiiyak sa nakalulungkot at nakakapangilabot na eksena.

Mabigat sa dibdib ang pag-iyak ng mga pulis na sumalubong sa mga pinatay at nagbuhat sa kabaong na kinalalagyan ng mga bangkay.

Nakakaiyak ang pagluha ng mga magulang, kapa­tid, anak,  at mga asawa ng mga biktima kaya na­ka­kaiyak at nakakagalit talaga ang hindi pagsipot ni P-Noy, kahit nagsalita ito noon na hindi siya nakikiramay o nagpupunta sa burol ng mga tao na hindi niya kilala pero anuman ang kanyang sabihin, siya pa rin ang ama ng bansa.

Mag-inang Imelda at Bongbong nakiramay din, Fidel Ramos nawalan ng 44 na anak

Na-appreciate ng mga tao ang pagpapakita sa Villamor Airbase ni former First Lady Imelda Marcos at ng kanyang anak na si Senator Bongbong Marcos.

Palaging sinisisi ang mga Marcoses sa nangyari sa Pilipinas pero hindi puwedeng ipagwalang-bahala ang pakikiramay nila sa mga pamilya na naulila  at pagbibigay ng importansya sa mga nasawi .

Nagpunta rin sa Villamor Airbase si former President Fidel Ramos na parang isang ama na nawalan ng 44 na anak. Si Papa Fidel ang nagsabi na slaughter at hindi misencounter ang nangyari noong Linggo sa Mamasapano, Maguindanao.

Mga nakikiramay nagdala ng bulaklak sa Camp Crame

Dumalaw ako kina Senators Bong Revilla, Jr. at Jinggoy Estrada noong Miyerkules.

Nanghihinayang ako dahil hindi ko nakita ang mga bulaklak na iniwan sa harap ng Camp Crame bilang pakikiramay sa mga pinatay na PNP-SAF.

Mga kababayan natin na nagdadalamhati  at nakiramay sa kanilang sariling paraan ang naglagay ng mga bulaklak sa front gate ng Camp Crame.

Hindi ko nakita ang mga bulaklak dahil sa tuwing dumadalaw ako kina Bong at Papa Jinggoy, dumaraan kami sa Boni Serrano gate ng Camp Crame.

vuukle comment

CAMP CRAME

LEFT

P-NOY

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with