^

PSN Showbiz

Mag-move on na, MJ minalas lang sa Miss Universe

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maaaring may katwiran ang marami nating kababayan na sabihing sinabotahe ng isang kababayang designer ni Gng. Stella Marquez Araneta ang kandidatura ni Miss Philippines MJ Lastimosa dahil hindi maganda ang ipinasuot niyang gown dito sa National Costume competition na pinagwagian ni Miss Puerto Rico. Pero ‘yung ginamit ni MJ sa long gown competition ay pasado naman, maganda at bagay sa kanya. Hindi nga ito pahuhuli sa mga isinuot ng siyam pang nakabilang sa Top 10. Mag-move on na tayo. Hindi pa siguro panahon para magka-Miss Universe tayo. Kahit gaano pa kagaling at katalino ni MJ, marami rin namang magaganda at matatalino ang hindi napasama sa Top 15 man lamang. Sa Top 5 naman, it coud have been her and not Miss Netherlands or USA ang napili. Suwerte nila at malas lang natin considering na may isang sikat pang Pilipino na nakasali sa lupon ng mga hurado.

Empress biglang nagpaka-daring nang maging Kapuso!

Inamin ni Empress Schuck na nagpaka-daring siya sa kanyang kauna-unahang teleserye sa Kapuso Network na Kailan Ba Tama ang Mali kaysa sa mga proyekto na ginawa niya sa Kapamilya Network. Siya si Sonya sa serye na umibig kay Leo, isang may lalaking may asawa na ginagampanan ni Geoff Eigenman. Ang role ng asawa nito ay napunta naman kay Max Collins.

Maraming ginawang maiinit na eksena ang bagong recruit na Kapuso actress.

“Pero hindi ko ginawa ang hinihingi ng role ko para magyabang o ano pa man, talagang dumating na lang siguro ako sa punto na kailangan ko nang magpaka-mature dahil nasa edad na ako at hinihingi ng istorya,” dagdag pa ng artistang hindi naman nabigyan ng pagkakataon na gumanap ng daring roles sa iniwan niyang network.

Si Gil Tejada ang direktor ng serye na magsisimulang umere sa February 9 at nagtatampok din kina Shamaine Buencamino, Ryza Cenon, Chariz Solomon, Ash Ortega, Ervic Vijandre, at Ken Alfonso.

Part two ng ‘giyera’ nina Jean at Eula inaabangan

Inaabangan ng maraming televiewers ang muling pagtatapat nina Jean Garcia at Eula Valdez sa The Half Sisters. Ang character ni Eula ang siyang kumupkop sa character ni Jomari Yllana matapos sumabog ang yate na sinasakyan nito. Nawala pansamantala ang alaala niya kaya nakalimutan nito ang kanyang mag-ina (Jean at Barbie Forteza) at nahulog ang loob kay Eula.

Matatandaan ang napakagaling na sagupaan nina Eula at Jean sa Pangako sa ‘Yo bilang ina nina Kristine Hermosa at Jericho Rosales.

vuukle comment

ASH ORTEGA

BARBIE FORTEZA

CHARIZ SOLOMON

EMPRESS SCHUCK

ERVIC VIJANDRE

EULA

EULA VALDEZ

GEOFF EIGENMAN

GIL TEJADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with