^

PSN Showbiz

Sapol sa mga sinabi ni Pope Francis... Willie Revillame ibebenta ang luxury cars, gusto raw mamuhay ng simple

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Kahit suntukin pa raw ang mukha... Empress nanindigang hindi nagparetoke 

PIK: Impressive ang kantang Let My Fire Out na kinompose ni Frencheska Farr, lalo na’t ginawan ito ng music video na umani rin ng magandang feedback.

Ito rin ang title ng concert ni Frencheska na ginanap sa Teatrino nung nakaraang October, pero nung nakaraang Linggo lang ini-launch ng music video nito sa Sunday All Stars.

Gusto ni Frencheska na ma-develop pa ang talent niya sa pagko-compose ng mga awitin dahil marami pa raw siyang nais gawin.

PAK: Gulat na gulat si Empress Schuck sa intrigang may pinabago raw ito sa mukha niya bago niya sinimulan ang drama series niya sa GMA-7 na Kailan Ba Tama ang Mali na magsisimula na sa GMA afternoon drama sa February 9.

“Kahit suntukin n’yo pa ang mukha ko, walang may binago riyan,” bulalas ni Empress nang nakatsikahan namin sa presscon nito kamakalawa ng gabi.

Nagpapayat lang daw siya, pero never daw siyang nagparetoke ng mukha. Kung sakali, okay lang daw siya sa non-invasive na procedure ng pagpapapayat na puwedeng gawin sa kanya ni Dra. Vicki Belo.

BOOM: Inamin ni Willie Revillame na malaki raw ang epekto sa kanya ng pagdating ni Pope Francis kaya marami siyang gustong baguhin sa kanyang buhay ngayong 2015.

Nag-celebrate si Willie ng kanyang kaarawan sa penthouse ng kanyang Wil Tower, at ikinuwento niyang unti-unti na raw niyang binebenta ang mga luxury cars niya dahil naka-display lang daw ito at hindi naman nagagamit.

“Bumibili ka ng mga mamahaling kotse, tapos nasa garahe mo lang. Mas mabuting itulong mo na lang ‘yun eh,” pakli ng TV host.

Mas gusto na raw niya ng simpleng buhay gaya ng sinabi ni Pope Francis.

“Nung pinapanood ko si Pope, it humbles ourselves. Sabi niya be simple, parang nagmarka sa isip ko ‘yun. ‘Yang mga materyal na bagay balewala lang pala ‘yun,” pahayag pa ni Willie.

vuukle comment

EMPRESS SCHUCK

FRENCHESKA

FRENCHESKA FARR

KAHIT

KAILAN BA TAMA

LANG

LET MY FIRE OUT

POPE FRANCIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with