^

PSN Showbiz

Gerald minulto!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nagsimula nang ipalabas kahapon sa mga sinehan ang pelikulang Halik sa Hangin na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, JC De Vera, at Julia Montes. Hinding-hindi raw makalilimutan ni Gerald ang isang eksenang kinunan nila sa isang abandonadang bahay. Bigla na lamang daw kasing bumukas ang pinto habang kinukunan ang eksena ng aktor at ni Julia. “Ang galing ng timing kasi akala ko effects, biglang bumukas. Hinawakan ko si Julia, nasa gitna kami ng take, medyo na-bother kami pero tinuloy pa rin namin ‘yung eksena. After ng cut, nagsigawan kaming lahat, ‘Ano ‘yun?’” kuwento ni Gerald.

Bukod sa lumang bahay ay may naramdaman ding kababalaghan si Gerald sa eksena nila sa isang building. “Pagpasok mo pa lang, makakaramdam ka na. Abandoned building na siya tapos madilim. Tapos ‘yung ilaw ni direk chill lang, hindi masyadong bright tulad ng ibang movies. Medyo makakaramdam ka talaga pero wala naman po akong sobrang nakakatakot na experience, thank God,” pagbabahagi ni Gerald.

JM kinalimutan na ang ‘pananakit’ ni Jessy

Malaki na raw ang ipinagbago ni JM De Guzman mula nang lumabas ito sa rehab at nagbalik sa show business. Marami ang nakapapansin na maayos na ang aura ng aktor ngayon. “Ay! Mara­ming salamat po kung gano’n ang napapansin n’yo. Inaayos ko naman po talaga lahat para bumalik ang tiwala nila sa akin,” bungad ni JM.

Bida ngayon sina JM at Angelica Panganiban sa pelikulang That Thing Called Tadhana na mapapanood na simula sa February 4.

Samantala, nahirapan daw ang binata na maka-recover mula nang magkahiwalay sila ni Jessy Mendiola ilang taon na ang nakararaan.

“’Yung good memories na akala mo sobrang good, ‘pag na-heartbroken ka, naalala mo ‘yun.

‘Yon ‘yung pinakamasakit na memories. So ang ginawa ko, nag-create ako ng mga panibagong good memories na makakasapaw doon sa sad memories na nagda-drag lang sa akin,” pagbabahagi ni JM.

Wala pa ring karelasyon ngayon ang binata at napanatili na raw nila ni Jessy Mendiola ang pagiging magkaibigan. May mga nagsasabing may posibilidad na magkabalikan ang dalawa.

“Actually, magkaibigan kami ngayon. Madalas kami mag-usap. Madalas din kami tumambay with friends. Hindi ko alam. Siguro pwede, pwedeng hindi. Pero ‘yang ganyang bagay, wala po ‘yan sa priority ko ngayon,” giit ni JM.

Kinalimutan na rin ng aktor kung anuman ang masamang nangyari sa kanila ni Jessy noong panahon na magkarelasyon pa sila. “Wala na po ‘yon. Kinalimutan ko na ‘yon,” pagtatapos ng aktor.                                       

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

DE GUZMAN

DE VERA

GERALD ANDERSON

JESSY

JESSY MENDIOLA

JULIA

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with