^

PSN Showbiz

Anne ginawang dumbbell ng BF na si Erwann

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Imbes na dumbbell ang ilagay sa balikat ng boyfriend ni Anne Curtis habang nasa gym, ang actress/TV host ang binuhat ni Erwann Heussaff sa balikat while doing squats.

Kering-keri naman ng restaurant owner and food blogger ang GF. Ilang seconds lang naman ang video.

Caption ni Erwann : squat until your shorts crack ay naging viral sa Internet.

Dating chubby si Erwann pero nakuha niya sa diet at exercise kaya fit na fit siya ngayon.

Super conscious na rin siya sa kinakain at nag-open siya ng blog na puro menu at sample ng healthy food ang content.

Nagtayo rin sila ng restaurant ng kapatid niyang si Solenn.

Young actress panay ang ‘pagawa’ para mas gumanda

Totoo kayang mahilig magpa-retoke ang isang young actress kaya nagi­ging kamukha na ito ng kanyang ate?

‘Pag daw nawala ito at sinabing nagkasakit, literal na may sumakit daw sa actress/TV host dahil meron siyang ipinagawa.

Nakailang pagawa na raw ito kaya mas lalong ‘gumaganda.’

Megan at Sarah magsasama sa serye ng GMA

Definite na babalik na raw sa GMA 7 si Megan Young matapos ang reign nito sa Miss World. Pero bawal pa raw sabihin kung anong first project nito sa Kapuso network. “Basta, malaking project ‘yun,” pramis ng source ko.

Si Sarah Lahbati rin daw ay balik-serye sa Kapuso. At may gagawin siyang serye. Ang masasabi lang daw ng source, basta babalik na ang live in partner ni Richard Gutierrez.

In a nutshell, magkakasama sina Megan at Sarah sa isang serye.

Anyway, abala si Sarah sa promo ng pelikulang Liwanag sa Dilim kung saan isa siya sa mga bida. Showing ito sa February 11 from APT Entertainment.           

vuukle comment

ANNE CURTIS

ERWANN

ERWANN HEUSSAFF

KAPUSO

MEGAN

MEGAN YOUNG

MISS WORLD

RICHARD GUTIERREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with