^

PSN Showbiz

Pati sariling show Kuya Germs pinagbawalang manood ng TV

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Bawal kay German Moreno ang manood ng TV at kahit ang sariling show niyang Walang Tulugan ay hindi niya napapanood. Pero natutuwa siyang malaman na pinag-usapan ng mga pinasikat niya sa That’s Entertainment na tutulong silang mag-host habang wala pa si Master Showman.

Last Saturday, sina Janno Gibbs at Sheryl Cruz ang guest co-host at abangan kung sino ang magku-co-host this Saturday. Sa rami ng mga taga-That’s Entertainment, hindi mawawalan ng magko-co-host sa show ni Kuya Germs.

Ang hindi pa namin naitatanong ay kung totoo ang balitang habang hindi pa kayang mag-report ni Kuya Germs sa Walang Tulugan, binawasan muna ang mga batang tinutulungan niya sa show. Saka na lang sila babalik ‘pag okay na si Kuya Germs. Kaya pala maluwag ang stage last Saturday dahil may mga hindi muna pinagre-report sa show.

Martin, Regine, Gary at Lani nangakong ibibigay ang lahat sa Araw ng mga Puso

May paliwanag si Martin Nievera kung bakit two nights ang Ultimate Valentine’s Day concert nila nina Regine Velasquez, Gary Valenciano at Lani Misalucha sa February 13 at 14 sa MOA Arena. Kailangan daw na dalawang gabi ang concert dahil sa unang gabi, warm up at rehearsal pa lang nila at sa second night pa lang ang talagang concert.

Of course, nagbibiro lang si Martin, kaya expect na sa first night, all out na agad ang performance nilang apat lalo na at first time nilang magkakasama sa concert.

Bagay ang title na Ultimate sa apat, kaya pumayag na rin si Martin na ito ang gamiting title kesa sa naisip niyang All For Love.

Nag-agree si Regine kina Martin at Gary na wala silang competition at hindi isyu sa kanila ang talent fee. Pero sabi ni Martin, sa kanilang apat ay si Regine ang may pinakamataas ang TF.

Pareho rin sila ng sinabing hindi nahirapan ang Star Media at I-Music Entertainment na kumbinsihin sila to do a concert together dahil matagal na nilang gusto at schedule lang nila ang problema.

Pangako nila na ang Ultimate ang best show na mapapanood dahil ibibigay nila ang kanilang best sa tulong ni director Rowell Santiago at ng musical director na si Ryan Cayabyab.

“We are not saying we are the best or we are the greatest performer, but we will give you our best,” promise ni Martin.

Janno at Bing totoo na ang balikan

Parehong nag-post sina Janno Gibbs at Bing Loyzaga ng picture nilang dalawa sa kani-kanyang Instagram at ikinatuwa ito ng kanilang followers. Kuha sa Tagaytay ang picture ng mag-asawa sa kanilang bakasyon at patunay ito na balik na sa dati ang kanilang relasyon.

Kasama nina Janno at Bing sa Tagaytay ang dalawa nilang anak na babae pati ang boyfriend ng eldest nilang si Alyssa na for sure ay masayang-masaya na kompleto na uli ang kanilang pamilya.

Ang maganda kina Janno at Bing, tahimik nilang nilutas ang kanilang problema at ayaw pa ngang paniwalaan ng press ang nabanggit ng dalawa sa press na okay sila. Pero ang picture nila sa IG ang nagpapatotoo na ayos na ang relasyon nila.

Bela at Dennis ‘nagkabalikan’ na!

Out na sa cast ng Sugo sina Dawn Zulueta at Megan Young na gaganap sa iisang role with Megan playing the young Dawn. May hindi raw napagkasunduan sa negosasyon ng mga producer at management ni Dawn kaya hindi natuloy ang aktres.

Dahil hindi na pumuwede si Dawn, inalis na rin si Megan at pati siya pinalitan. Sina Alice Dixson at Bela Padilla ang pumalit kina Dawn at Megan, sila ang gusto at napili ni director Joel Lamangan.

Nag-shooting na si Bela na makakapareha si Dennis Trillo na gaganap namang young Albert Martinez. Second team-up na ito ng dalawa na unang nagtambal sa documentary series.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

JANNO

JANNO GIBBS

KUYA GERMS

MEGAN

PERO

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with