^

PSN Showbiz

GMA binayaran ng mataas na TF si Eula Valdez para lang tapatan si Jean, Chairman ng BB Pilipinas pinaglalaruan, MJ Lastimosa pinagalitan bago ang coronation nig

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Si Eula Valdez nga ang ipapakilala na bagong karakter sa The Half Sisters na bale makakatapat ni Jean Garcia.

Kaya sa halip na sa April ito matatapos, baka aabutin pa raw ito ng June.

Totoo bang bonggang-bongga ang talent fee na ibibigay kay Eula para pumayag lang na pumasok sa naturang afternoon drama ng GMA-7?

PAK: Sa halip na maawa, natawa pa ang ilang vaklush nang nakita sa social media ang litratong natapilok si Stella Marquez-Araneta nang palabas na ito ng venue na pinagdausan ng Miss Universe kamaka­lawa lang.

Sa rami siguro ng nairita sa kanya, natapilok na ito at baka nabubulunan pa siya ‘pag kumakain.

Totoo bang tinilian daw ni Stella Araneta si MJ Lastimosa dahil pinagpilitan daw nitong ang gown na gawa ni Alfredo Barraza ang isusuot niya sa pre-pageant?

Ang gusto raw kasi ni MJ ay ang gown ng kaibigang Pinoy designer ang isusuot niya.

Wala raw siyang magawa kundi sundin ang gusto ng Bini­bining Pilipinas Charities chairman.

BOOM: Sino naman kaya sa alaga (dating Binibining Pilipinas-Universe) ni Jonas Gaffud (beauty queen maker) ang nakita raw ng ilang kababayan natin na hu­magikgik ng tawa nang hindi natawag si MJ sa top five?

Dating kasama nila si MJ, pero nitong huling sali niya sa Binibining Pilipinas, nagpa-handle siya sa Kagandahang Flores (pageant training camp) dahil ayaw na raw itong pasalihin ni Jonas.

Bale pangatlong sali na kasi ito ni MJ at sinuwerte naman siya sa pangatlong try.

Na-offend daw ang ilang kababayan natin nang nakita nilang pumalakpak at tawa nang tawa raw itong si dating beauty queen, pero biglang tumigil daw siya nang napansin niyang may ilang nakatingin na sa kanya.

vuukle comment

ALFREDO BARRAZA

BINIBINING PILIPINAS

BINIBINING PILIPINAS-UNIVERSE

HALF SISTERS

JEAN GARCIA

JONAS GAFFUD

KAGANDAHANG FLORES

MISS UNIVERSE

PILIPINAS CHARITIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with