^

PSN Showbiz

Kanta ni Daniel bumida sa fairy tale story

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panoorin ang naiibang fairy tale love story nina Ron at Michelle sa pinakabagong Korean romantic comedy na Fated to Love You sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Nakasalalay sa real-life prince charming na si Ron ang pagpapatuloy ng lahi ng kanyang pamilya kaya naman kailangan niyang makapag-asawa sa lalong madaling panahon. Aalukin niya ng kasal ang kasintahang si Sera sa Macau ngunit bago pa man niya matanong ang dalaga ay nangialam na ang tadhana.

Laking gulat na lang ni Ron nang magising siya sa isang kuwarto katabi ang isang babaeng nagngangalang Michelle.

Hindi makapaniwala ang dalawa na may nangyari sa kanila. Tulad ni Ron, wala ring maalala si Michelle sa kung paano siya nahantong sa sitwasyong iyon.

Sa una’y pagsususpetsahan ni Ron si Michelle na kasabwat sa hinihinala niyang tangkang pagset-up sa kanya. Ngunit agad ding makikita ng binata na nagsasabi si Michelle ng totoo.

Sa kanilang pag-uwi ay iiwan na rin nila ang alaala ng nangyari sa kanila sa Macau.

Ngunit tila hindi nila matatakasan ang tadhana dahil lingid sa kaalam nila na nagbunga pala ng hindi inaasan ang isang gabi nilang pagsasama. Kaya naman kinailangang pakasalan ni Ron si Michelle at maging ama sa susunod na tagapagmana ng kanilang angkan.

Inawit ng Teen King na si Daniel Padilla ang theme song ng serye na Simpleng Tulad Mo.

Huwag palalampasin ang nakatutuwa at nakakikilig na kuwento ng Fated to Love You na nagsimulang umere kahapon (Jan 26) 4 p.m., pagkatapos ng Nasaan Ka Nang Kailangan Kita sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

 

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KAPAMILYA GOLD

LOVE YOU

MACAU

MICHELLE

NASAAN KA NANG KAILANGAN KITA

NGUNIT

RON

SIMPLENG TULAD MO

TEEN KING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with