^

PSN Showbiz

Kung kailan nag-asawa, Marian pumayag maging tomboy!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tuwang-tuwa ang fans ni Marian Rivera nang magbalik ito sa Eat Bulaga noong January 24 dahiil na-miss nila ito. Ilang araw kasi after ng December 30 wedding nila ni Dingdong Dantes, dinala ng mag-asawa ang ama ni Marian sa Boracay dahil sa request nito.

Pagkagaling sa Boracay, dumeretso ang dalawa sa airport para sa kanilang honeymoon sa Italy at Spain. Sa Instagram (IG) na lang nakikibalita ang fans sa favorite couple nila. Kaya pagbalik ng dalawa, inabangan ang TV guesting nila.

Ibinalita na rin ni Dingdong na may gagawin siyang teleserye sa GMA-7 at inaabangan na rin ang pagbabalik ng StarStruck sa April. Si Dingdong ang host ng reality show.

As for Marian, isang teleserye rin ang inihahanda para sa kanya at explosive raw ang concept at role na gagampanan nito. Dahil kundi pa nagbabago mula nang may makausap kami, tomboy daw ang magiging role ni Marian.

Si Dominic Zapata pa rin ang magiging director ng bagong teleserye ni Marian at balita namin, isa sa makakasama niya ay ang aktres na bagong lipat sa network.

Iya at Sarah ‘pinag-aagawan’ si Dingdong

Si Iya Villania ang nabalitang magiging co-host ni Dingdong Dantes sa StarStruck, pero nabanggit din ang pangalan ni Sarah Lahbati. In fact, si Sarah lang ang alam ng kausap namin na magiging co-host ni Dingdong, baka pagsasamahin sila ni Iya para mas masaya.

Sa Gala Night, ibang pangalan din ang narinig na­min na magiging co-host ni Dingdong at ito talaga ang panggulat. Hintayin nating ang GMA-7 ang mag-announce kung sino ang aktres na ito.

Samantala, bago pa i-announce ng APT Entertainment ang February 25 playdate ng horror movie na Liwanag sa Dilim, ipinu-promote na ito ng cast sa IG kabilang si Sarah. Excited na ang buong cast sa showing ng movie na mula sa direction ni Richard Somes at sa napanood naming trailer, parang aswang ang role ni Sarah, tama ba kami Jun Nardo?

Manolo nagsimula sa TV5 bago sumikat sa PBB

Si Manolo Pedrosa ang isa sa kapareha ni Janella Salvador sa morning series ng ABS-CBN na Oh My G!  at isa ito sa mga rason kung bakit kinuha siyang bagong endorser ng BNY, bukod sa kinakitaan ng malaking potential na sisikat.

Bukod sa TV show, may launching movie na rin si Ma­nolo, hindi nga lang si Janella ang kapareha sa Star vs. Me kundi si Maris Rascal na nakasama niya sa Pinoy Big Brother (PBB) All In. Mula ito sa direction ni Joven Tan.

Hindi naman siguro ma­gagalit ang fans nina Manolo at Janella na si Julia Barretto ang crush ng aktor dahil nagsasabi lang siya ng totoo. Mas mahirap kung magsisinungaling na si Janella ang kanyang crush para lang i-promote ang Oh, My G! nila.

Inamin rin ni Manolo na hindi pa sila close ni Janella dahil newcomer siya, pero mabait ito sa kanya at ang iba pang cast. Malaki ang pasasalamat ni Manolo na may TV show siya, may pelikula at may clothing endorsement pa.

Sa TV5 pala nagsimula si Ma­nolo, naging co-host siya ni Jasmine Curtis-Smith sa Spin Nation, hindi lang siya nagtagal dahil nang matanggap sa PBB, nagpaalam siya sa TV5 at sa show nila ni Jasmine.

Lovi ipapakilala si Oryang

Bigatin ang makakatrabaho ni Lovi Poe sa epic film na Lakambini (Woman Leader) mula sa dalawang directors na sina Jeffrey Jeturian at Ellen Ongkeko-Marfil. Si Rody de Vera ang scriptwriter, si Lutgardo Labad ang musical director at si Neil Daza naman ang cinematographer.

Ang Erasto Films ang producer ng Lakambini at hindi pa man nagsisimula ang shooting, suportado na ito ng Philippine Commission on Women (PCW). Naniniwala ang PCW na right time na para kilalanin ang naging papel at kontribusyon ng mga babae sa Philippine history.

Ang Lakambini ay tungkol sa buhay ni Gregoria de Jesus na mas kilalang Oryang na naging asawa ni Andres Bonifacio. At nang mamatay ang Supremo ng Katipunan, napangasawa naman niya si Julio Nakpil na miyembro rin ng Katipunan.

Sa March daw sisimulan ang shooting ng peliku­la dahil may mga paghahanda pa silang gagawin. Inabangan kung sino ang mapipiling gumanap sa role nina Andres Bonifacio at Julio Nakpil. May mga suggestion na kunin ang boyriend ni Lovi na si Rocco Nacino para sa isa sa dalawang role  dahil hindi pa pala nagkakasama sa pelikula ang dalawa.

 

vuukle comment

ALL IN

ANDRES BONIFACIO

ANG ERASTO FILMS

ANG LAKAMBINI

DINGDONG DANTES

JANELLA

JULIO NAKPIL

MANOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with