^

PSN Showbiz

Dahil kay Aljur, Robin hindi na itutuloy ang launching movie ni Kylie?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman itinatago ni Robin Padilla ang na­ra­­ramdaman niya sa sinasabing pakikipagbalikan ng anak niyang si Kylie Padilla kay Aljur Abrenica. Bagaman at ayaw niyang sagutin nang tuwiran o magbigay ng reaksyon sa naging balikan ng dalawa, hindi niya maiwasang magsabi na sana ay ang career na lang muna ng anak ang inuna nito kaysa ang kanyang puso,

Pero wala naman siyang balak na pakialaman ang dalawa. Ang sa kanya lang ay magbigay lamang ng opinyon sa nangyari bilang ama. Maging sa career nito ay malaki rin ang kanyang interes dahil naniniwala siyang may mas malaking tsansa ang kanyang anak. Meron pa naman silang gagawing pelikula ni Kyie, ang Anak ng Hoodlum na inaasahan niyang mabibigyan ni Kylie ng konsentrasyon.

Angelica kinawawa ni John Lloyd

Mukha namang hindi deserve ni Angelica Pa­nga­niban ‘yung sagot ni John Lloyd Cruz tungkol sa pangarap niyang pagpapakasal nila. Ang ibinigay nitong dahilan ay ang pagpirma niyang muli ng kontrata sa Kapamilya Network na kaila­ngan niyang suklian ng higit na sipag at pa­nahon. Siyempre, ma­ra­mi ang nakisimpatya sa aktres na matatagalan pa o baka hindi pa mangyari ang inaasahan niyang kasal.

Xian si Kim lang ang gustong katrabaho

Sayang ang maraming proyekto na na­kalinya sana para kay Xian Lim ngunit nakawala. Tulad na lamang ng Brid­ges nina Maja Salvador at Jericho Ro­­­­sales. Siya ang napiling kapa­lit ng tumang­ging si John Lloyd Cruz.  Inililin­ya rin siya sa proyekto na pag­sa­sa­mahan for the first time nina Gov. Vilma San­tos at Angel Locsin. Una nang ti­nanggihan ito ni Luis Manzano kaya si Xian ang na­isip na ipalit sa kanya, pero dahil may na­una nang pro­yekto na nakatakda para sa kanila ni Kim Chiu hindi rin siya natuloy dito.

Sayang na sayang dahil napakalaking pagka­kataon sana para maipakita niya na hindi lang siya sa loveteam nila puwedeng umasa. Na effective rin siya with other actors, pero bakit kaya hindi ipinagkakaloob ng pagkakataon na magawang lahat ito ni Xian?

Special awardees sa Miss U talunan din

Kaya naman pala maganda si Mary Jean Lastimosa ay dahil Arabian ang kanyang ama. Ginawa naman niya ang lahat para siya mag-shine sa pageant at outstanding siya sa swimsuit at evening gown competition ng Miss Universe. At huwag hamakin ang maganda niyang gown na isinuot dahil hindi siya napag-iwanan ng mga kalaban niya. Medyo hindi nga lang bongga ang kanyang isinuot sa simula ng pageant.

Totoong mahirap manalo sa Miss Uni­verse pageant na ginanap nga­yong taon sa Miami, Florida. Ang dami kasing ma­ga­gandang contestant at hindi sila mga basta-basta. Talagang may sinasabi sa fa­mily at educational background ang mga kalahok. Hindi lang mukha at katawan ang dinadala nila sa pa­geant, may mga ta­lento rin silang bitbit.

Appreciated ng mga Pinoy mula sa mahigit sa 80 kalahok ang naka­sama sa Top 15. Sa Top 10 naman ay kasama pa rin si MJ na puwedeng puwede sa­nang masungkit ang korona dahil mukha talaga siyang Miss U to start with.

Nakakatuwang maalala na matagal na pala ta­yong walang Miss Universe mula pa kina Gloria Diaz nung 60s at Margie Moran nung 70s.

Wala namang nasama sa Top 15 ang napi­ling Miss Congeniality na si Miss Nigeria; Miss Pho­to­genic na si Miss Puerto Rico at Best in National Costume na si Miss Indonesia.

Waging Miss Universe si Miss Colombia, at runners up niya sina Miss USA (1st), Miss Uk­rai­ne (2nd), Miss Ne­ther­lands (3rd) at Miss Jamaica (4th).

Better luck next time, Philippines.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

MISS

MISS U

MISS UNIVERSE

NIYANG

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with