^

PSN Showbiz

Isinisisi pa rin sa sinaunang hitsura ng gown ‘Pinas ligwak na naman!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nadismaya ang mga vaklush sa ‘di pagpasok ni MJ Lastimosa sa top five ng Miss Universe 2014. Pero hindi naman nakakahiya ang performance ng ating kandidata kaya huwag na lang siyang laitin pa.

Pagkatapos malaglag ni MJ sa Top 5, kung anu-anong panlalait ang tawag sa kanya gaya ng Ms. Nganga, TYG o Thank You Girl, Ms. Ligwak at kung anu-ano pa. Pero ang isa sa inalipusta nang husto at sinisisi sa pagkatalo ni MJ ay ang suot nitong evening gown na mukhang hirap na hirap dalhin ni MJ at napakalumang tingnan kahit in-alter pa ito.

PAK: Mayaman na at nalagpasan na ng dating singer/actor ang mapait na pinagdaanan nito dahil sa bagong negosyong pinasok niya at pinagtiyagaan niyang ipundar. Naranasan daw niya noong nakikitulog na lang siya sa ilalim ng mesa ng kanyang kaibigan at minsan nga raw ay inaabot na siya sa kalye.

Ang sabi ng dating singer/actor, malaking bagay daw ang pagpatawad niya sa lahat ng nang-api sa kanya. Hindi raw niya makalimutan ang dating katrabahong male singer na tinulungan na nga raw niya, pero binugbog pa raw siya nung nagkasabay silang magtrabaho sa Japan.

Pero kamakailan lang ay nakulong itong si male singer dahil sa kasong drugs, at nung nakarating ito sa dating singer/actor, nawala na raw ang galit niya at kung lalapit daw ito sa kanya para humingi ng tulong, tutulungan pa rin daw niya. Pero hihintayin daw muna niyang humingi ito ng tawad sa dahil sa pambubugbog na ginawa sa kanya.

BOOM: Marami ang nakapansin sa ipinost ni Bret Jackson sa kanyang Twitter account na “Cheater Cheater Pumpkin Eater” at sumunod ay may post uli itong “Liar Liar Pants on Fire”.

Sagot niya kaya ito sa ipinost ni Jake Ejercito na litratong kuha sa Singapore kasama si Andi Eigenmann?

Magkasama kasi sina Andi at Bret sa Cebu.

Magkakatotoo kaya ang sinabi noon ni Jake na makikipagbalikan siya uli kay Andi sa buwan ng February? Sinagot pa ito ni Andi na malabo raw iyon mangyari.

Tingnan natin!

vuukle comment

ANDI

ANDI EIGENMANN

BRET JACKSON

CHEATER CHEATER PUMPKIN EATER

JAKE EJERCITO

LIAR LIAR PANTS

MISS UNIVERSE

MS. LIGWAK

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with