^

PSN Showbiz

AiAi ayaw nang ipagsabi na maligaya ang puso

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakatutuwang mabalitaan na magiging aktibong muli ang Comedy Concert Queen at komedyanteng si AiAi delas Alas. Matagal na rin siyang hindi mas­yadong napapanood sa big screen. Wala pa ring kasunod ang matagal nang naipalabas na Past Tense kung saan ay naka-share pa niya ang blockbuster tandem nina Kim Chiu at Xian Lim.

Habang hinihintay pa ang susunod niyang trabaho sa ABS-CBN at sa film arm nitong Star Cine­ma, the comedienne will try to make herself busy sa concert stage. Meron agad siyang Valentine concert sa Solaire Resort & Casino kung saan makakasama niya si Richard Yap. Bukod sa mga individual number nila, meron silang duet na isang Chinese love song. Kaya kung madalas n’yo siyang makita sa gym ngayon, huwag na kayong magtataka, paghahanda ito sa kanyang pagbabalik-concert. At kahit makatapos na ang Valentine, hindi siya titigil ng katu-tune up ng kanyang sarili, bilang paghahanda naman sa napakalaking silver anniversary concert niya sa Nobyembre.

Ang double concert na ito will keep AiAi busy for almost the whole of 2015. Tamang-tama para hindi naman nakatutok ang buo niyang panahon sa kanyang love life. Matatag pa rin ang samahan nila ng nakababata niyang boyfriend.

“Maligaya ang puso. Hindi ko na kailangang ipag­sabi. Nakikita naman ito sa mukha ko,” sabi niya.

Pagtataray ni Angelica wala sa lugar

Hindi nakatulong ang tila may pagkamaldita na tugon ni Angelica Panganiban sa mga tanong ng media sa presscon ng That Thing Called Tadhana kung saan ay kapareha niya si JM de Guzman. Kung natakot at na-starstruck si JM kay Angelica sa kanilang shooting lalo’t higit, nang aminin nito sa press na ayaw niyang makatambal nu’ng una ang aktor na hindi niya kilala at hindi alam kung paano magtrabaho.

Iñigo malaki ang pasasalamat sa mga nagdasal para kay Piolo

Buti na lang at hindi napuruhan nang husto si Papa P (Piolo Pascual) matapos ang kanyang aksidente sa bisikleta habang nagsu-shoot ng isang ad para sa ABS-CBN Mobile. Biruin mo, kung nasira ang kanyang mukha na siyang puhunan niya sa kanyang trabaho, laking sagutin ‘yun ng Kapamil­ya Network. Pero hindi pa oras para mamaalam ang aktor sa showbiz dahil kamay at daliri lamang niya ang napuruhan. Kaunting panahon lang at pa­hinga ay mabilis na siyang gagaling. Nagpapasalamat ang kanyang anak na si Iñigo sa lahat ng nagdasal at nag-wish para sa kanyang ama sa agarang paggaling.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

COMEDY CONCERT QUEEN

KANYANG

KIM CHIU

KUNG

NIYA

PAPA P

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with