^

PSN Showbiz

Manny hinulaang waging-waging Senador

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Napanood namin ang magaling na psychic na si Danny Atienza na guest sa isang TV show sa Channel 9. Tinanong ito ng host kung ano ang mga hula niya sa mga sikat na celebrities.

Sabi nito ay mananalong senador si Congressman Manny Pacquiao kapag tumakbo sa darating na eleksyon.

Feel din niya si Sen. Grace Poe na mananalo kapag lumabang vice president kaso hindi pa yata handa ang butihing senador.

Alice matagal nang alam ang kabaklaan ni BB

Kasama si Alice Dixson sa 2 1/2 Daddies na tinatampukan ng magkakapatid na sina Robin at Rom­mel Padilla kasama si BB Gandanghari. First time na makatrabaho ni Alice sina Robin at Rommel pero si BB ay nakasama nito sa isang pelikula. Kaya naman tsika to the max ang ginawa ng dalawa nang magkita sa set.

Noon daw na Rustom Padilla pa si BB ay may naririnig na siyang tsismis tungkol sa kasarian nito pero hindi naman niya pinapansin. Never din niya itong tinanong tungkol dun. Basta’t ang mahalaga ay masaya na rin siya nang mag-come out in the open ang aktor.

Childhood sweethearts sina Alice at BB sa sitcom pero nagtungo ito sa abroad at nang bumalik sa bansa ay isa nang transgender.

Nagsimula na itong mapanood noong Sabado January 24 sa TV5 at 7:00 p.m.

Derek hindi makapaniwala sa hitsura ng ‘kakambal’

Tuwing Linggo naman ay magkasama sina Derek Ramsay at Empoy sa Mac & Chiz. Siya si Macario ‘‘Mac’’ Vasquez isang guwapo at mayamang bachelor na naghahanap sa nawawalang kakambal na kapatid na si Chiz bilang tugon sa kahilingan ng mamamatay na ama.

Hindi inaasahan ni Derek na ganito pala ang hitsura ng kanyang kakambal. Enjoy si Derek sa pakikipagtrabaho kay Empoy dahil lagi silang masaya sa set. Mapapanood ang Mac & Chiz tuwing Linggo na nagsimula na kagabi sa TV5 sa ganap na 8:30 n.g.

vuukle comment

ALICE DIXSON

CHIZ

CONGRESSMAN MANNY PACQUIAO

DANNY ATIENZA

DEREK

DEREK RAMSAY

EMPOY

GRACE POE

RUSTOM PADILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with