^

PSN Showbiz

May nadiskubre sa magiging mister sana beauty queen turned actress umatras sa wedding!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Bukod sa dalawang cute na bagets ng rocker na si Basti Artadi, ini-endorse rin ng dalawang busy Mommy na sina Danica Sotto at LJ Moreno itong bagong gadget ng PLDT Home DSL na FAM CAM.

Dahil araw-araw ay napapanood sila sa TV5 na Happy Wife, Happy Life, madalas na nasa labas sila ng bahay. Kaya sa tulong ng FAM CAM na mu-mo­nitor pa rin nila ang kanilang mga anak at personal na nagagampanan ang kanilang responsibilidad bilang Mommy.

Malaking tulong daw talaga ito, kaya suportado nila itong PLDT FAM CAM na ini-launch na nung nakaraang linggo at ini-introduce sa napakamurang package sa halagang 99 pesos sa monthly bill at meron ding advance FAM CAM sa halagang 499 pesos.

PAK: Hindi pala natuloy ang kasal ng beauty queen turned actress sa kanyang non-showbiz fiancé.

Ayaw sabihin ng aktres ang dahilan ng pag-atras niya sa kasal dahil sobrang personal daw ang dahilan. May mga nadiskubre lang daw siya kaya sabi niya, ipinagpasa-Diyos na lang daw niya.

Sabi ni aktres, maayos naman daw silang naghiwalay ng kanyang boyfriend, pero hindi naman daw sila naging friends. Mas masaya raw siya ngayong single na siya.

BOOM: Puspusan na ang paghahanda ng magkasintahang John Prats at Isabel Oli sa kanilang pag-iisang dibdib.

Ayaw pa muna nilang sabihin ang buong detalye pero ayon kay John, sa May daw ang kasal na isang farm wedding sabi niya. Hindi pa raw nila na-finalize ang venue.

Dalawang seremonya pala ang gagawin kung saan magkaroon muna ng wedding ceremony sa Catholic church sa umaga dahil Katoliko ang pamilya ni John, at kinahapunan ay isang Christian wedding naman para kay Isabel. Kaya dalawa ang wedding gown ang in-order nila sa Amerika na gawa nina Vera Wang at Monique Lhuiller.

Para sa pamilya lang daw ang Catholic ceremony, at kasama naman daw ang mga malalapit na kaibigan sa kanilang Christian wedding. Kahit magkaiba sila ng relihiyon, hindi raw ito isyu sa kanilang relasyon.

Basta ang lahat daw na ito ay para kay Isabel at ibibigay ito ni John

vuukle comment

AYAW

BASTI ARTADI

DANICA SOTTO

DAW

HAPPY LIFE

HAPPY WIFE

ISABEL OLI

JOHN PRATS

KAYA

MONIQUE LHUILLER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with