^

PSN Showbiz

Robin walang planong lumayas sa TV5?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Dahil hindi nag-deny si BB Gandanghari sa ibinuking ni Robin Padilla na niligawan niya si Alice Dixson noong si Rustom Padilla pa siya, naniwala ang mga reporter. Dagdag pa ni Robin, binakuran ni Rustom noon si Alice kaya kahit paulit-ulit ang request niya kay Mr. Vic del Rosario na ibigay sa kanyang leading lady ang aktres ay walang nangyari.

Hindi pa rin alam ni Robin kung tinanggihan siya ni Alice o na-in love ito kay Rustom noon. Dito na lang sa 2 1/2 Daddies ng TV5 natuloy ang pagsasama nila at sabi ni Robin, kapana-panabik ang mga eksena nilang dalawa.

Mukhang magtatagal sa TV5 si Robin dahil after ng sitcom, balik siya sa pagho-host ng Talentadong Pinoy, kaya ang show nila ni Mariel Rodriguez sa TV5 ay mapapanood na sa third quarter ng 2015. Inu­na lang niya ang sitcom dahil dream nilang magkakapatid na magsama-sama sa isang project.

Sa February, gagawin din ni Robin ang laun­ching movie ni Kylie Padilla na Tatay Kong Hoodlum under his own RCP Productions at siya rin yata ang director. Gagastusan ng malaki ang nasabing pelikula na pinipili pa ang ibang cast.

Samantala, kasama pa si Bayani Ag­ba­­yani sa pilot episode ng 2 1/2 Dad­dies kagabi, hindi na ni-reshoot ang episode. Sa second episode na siya tsinugi at pinalitan ni Dennis Padilla na lalabas na kapatid ng karakter ni Bayani.

Janella boses ang lamang kina Julia at Liza!

Bago ang airing ng Oh, My G!, inatake ng sobrang nerbyos si Janella Salvador dahil hindi niya alam kung paano tatanggapin ng viewers ang kakaibang series. Nang makita ang pilot ratings at ang magandang feedback ng viewers, napalitan ng tuwa ang nerbyos at kaba ng teen actress.

Sana matuloy na ang movie ni Janella sa Regal na Retreat House para mapanood din siya sa pelikula at matuloy na ang paggawa niya ng album. Totoo ang sinabi nito na ang edge niya kina Julia Barretto at Liza Soberano ay ang kanyang singing voice.

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

BAYANI AG

DENNIS PADILLA

JANELLA

JANELLA SALVADOR

JULIA BARRETTO

KYLIE PADILLA

LIZA SOBERANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with