^

PSN Showbiz

Pagselosan kaya ni misis?: Dingdong itatambal kay Carla; Bago ang magarbong debut, mag-amang Dennis at Julia sa korte muna magkikita

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Marami na ang nai-excite sa pagbabalik-trabaho ng bagong kasal na Dingdong Dantes at Marian Rivera.           

Mamayang hapon ay special guest ang GMA Primetime King sa Sunday All Stars.

Subukan naming makatsikahan si Dingdong para sagutin ang na­ririnig naming tsikang ang susunod daw niyang gagawing drama series ay kapareha si Carla Abellana. Kumpirmahin natin kay Dingdong ‘yan.           

Si Marian naman, bagong hairdo ang bumulaga sa amin nang nakita namin siya sa Eat Bulaga kahapon.

Totoo kayang ang susunod daw niyang gagawing serye ay kontrobersyal ang role na first time pa lang niyang gampanan?

PAK: Si AiAi dela Alas ang isa sa nanguna sa launching ng bagong movement na Kilos Kaayusan na ginanap sa Rizal Park kahapon ng umaga.

Ilan sa celebrities na dumalo na bahagi nitong movement ay sina Leo Martinez at Rez Cortez.

Si Vice President Jejomar Binay ang kanilang panauhing pandangal at open naman si AiAi na si VP Jejomar Binay ang susuportahan niya. Lalo na raw ngayong lugmok na lugmok ito sa mga naglalabasang isyu, hindi raw niya ito dapat iwan.

“Yan kasi ang tunay na kaibigan. Hindi ka niya iiwan sa lowest moments mo,” pakli ng Comedy Queen.

“Si VP Binay nandun siya sa lowest moments ko nung namatay ang nanay ko. Hindi niya ako iniwan,” patuloy pa niya.

Kapag tungkol sa friendship na ang pag-uusapan maingat na si AiAi dahil alam niyang mapupunta lang ito kay Kris Aquino na iniiwasan na niya sanang pag-usapan.

BOOM: Ang pagkakaalam namin, sa March 10 pa ang debut ni Julia Barretto. Pero ngayon pa lang ay pinaghahandaan na nila ito.

Nag-post si Marjorie Barretto nang mag-food tasting sila sa Edsa Shangrila. Kaya mukhang malaking event ito para kay Julia.

Pero komento ng karamihan ay sana inuna muna ng Kapamilya young actress ang isyu nito sa kanyang ama.

Bago siya mag-birthday ay malamang magtatagpo sila sa pag-resume ng hearing ng petition niyang change of name na ngayon ay kasali na sa pagdinig si Dennis Padilla.

Kung makakadalo sila, malamang na magkikita sila roon at ewan ko kung mababati siya roon ni Dennis o kung iimbitahin siya ni Julia.

vuukle comment

CARLA ABELLANA

COMEDY QUEEN

DENNIS PADILLA

DINGDONG DANTES

EAT BULAGA

EDSA SHANGRILA

JEJOMAR BINAY

JULIA

JULIA BARRETTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with