^

PSN Showbiz

Nora Aunor gipit na gipit na sa datung kaya naisipang bawiin ang mga naipundar sa Bicol?!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sino ba ang nagsasabing poor si Nora Aunor eh may  lupain pala siya sa Bikol na ipinaglalaban at bi­nabawi sa kasalukuyan sa isang kaanak na siya raw  dahilan kung kaya siya tumatanggap ng death threats ngayon mula siguro sa mga taong binabawian niya ng kanyang lupain. Kung hindi marahil sa kawalan niya ng proyekto ngayon ay baka hindi na niya ma­a­alala ang kanyang propyedad na makakatulong ng malaki sa kanyang panganga­ilangang pinansyal ngayon, pero mabawi pa kaya niya ito sa kanyang kaanak?

Barbie at Julian inutusang wag guluhin sina Miguel at Bianca

Ano kaya ang nararamdaman nina Barbie For­teza at Julian Trono ngayon matapos iwan at itigil ni Miguel Tanfelix ang panliligaw  sa kanya at ganundin si Julian kay Bianca Umali  para sa kapakanan ng loveteam  nina Miguel at Bianca na binuo ng Kapuso Network? I’m sure kundi man galit ay hindi maganda ang relasyon ngayon ng apat sa isa’t isa, pero wala naman silang magagawa dahil desisyon ng network na paghiwa-hiwalayin sila. Buti na lamang at nasa courtship stage pa lamang sila kundi talagang mahihirapan na silang magkanya-kanya.

Pero may kinapuntahan naman ang gina­wang desisyon ng GMA. Isa sina Mi­guel at Bian­ca sa mga young loveteam na tinatangkilik ngayon. Pruweba ang ma­gandang pagtangkilik sa kanilang tele­serye ng fans at ma­nonood ng TV.

Kung itinakda man ang dalawa kina Barbie at  Julian, magkakaroon at magka­ka­ro’n ng pagkakataon na maibalik nila ang kanilang nasimulan.

Arron at Sue may chemistry

Kung maganda man ang ibinabadya ng tambalang Miguel at Bianca, ganundin din na­man ‘yung kina Arron Villaflor at Sue Ramirez na kinakikiligan ng maraming TV viewers sa pag­papalabas ng Nasaan Ka Nung Kailangan Kita sa Kapamilya Net­work tuwing hapon. Hindi marahil akalain ng ABS-CBN na makakabuo sila ng isang bagong tambalan sa pagka-cast sa kanila sa nasabing afternoon series. Baka nga kina Loisa Andalo at Joshua Garcia nakatuon ang kanilang pansin at hindi kina Arron at Sue kaya sigurado ako na maski na sila ay nabigla na makita na may kakaibang chemistry ang pagtatambal ng dalawa. Sayang at hindi full length ang exposure ng dalawa dahil tatanda sila at magiging sina Vina Morales at Christian Vasquez. Pero ganito kaaga nagpapakita ng promise ang kanilang tandem.

Walang Tulugan malabong masibak

Hindi totoong mawawala na sa ere ang  late-night va­riety talk show ni German “Kuya Germs” Mo­re­no na Walang Tulugan with The Master Showman. Siniguro ng management ng Kapuso network na tuluy-tuloy pa rin ang  pagbibigay-saya ng progra­ma sa lahat ng manonood habang nagpapahinga si Kuya Germs.  

Pagkatapos ng mahigit dalawang linggong pagkaka-confine dahil sa mild stroke ay na-discharge na sa ospital si Kuya Germs noong Sabado (Enero 17). Sa kasalukuyan ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang therapy.

Bukod sa mga host ng programa na sina John Nite, Jackielou Blanco, Sharmaine Santiago at Shirley Fuentes, patuloy na maghahatid ng saya sina Hiro Peralta, Ken Chan, Jak Roberto, at Jake Vargas. Abangan din ang mga magiging guest hosts ng programa habang nagpapahinga at nagpapaga­ling si Kuya Germs.

Edgar Allan, magpapaluha sa MMK viewers 

Nakaaantig ng kwento ng matibay na relasyon ng isang ama at ng kanyang anak na binabae ang ibabahagi ng Maalaala Mo Kaya ng ABS-CBN ngayong Sabado (Enero 24).

Bibida sa upcoming family drama episode ang award-winning actors na sina Edgar Allan Guzman at Nonie Buencamino. Gaganap si Edgar bilang ang bading na caregiver na si Jing. Samantalang gagampanan ni Nonie ang role ni Adoy, na bagaman noong una ay kontra sa pagiging bading ni Jing ay nanati­ling lakas ng kanyang anak sa gitna ng mga pagsubok na pinagdaraanan nito.

 Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Elfren Vibar at panulat ni Ruel Montañez.

vuukle comment

BIANCA

KUYA GERMS

LEFT

MIGUEL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with