^

PSN Showbiz

Target na kita ng Feng Shui hindi nakuha, Kris pahinga muna sa MMFF 2015

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maraming ginulat si Kris Aquino kasama ang ‘asawa’ niyang si Vice Ganda at ang mga bisita niyang sina Carmina Villaroel at Erich Gonzales nang inanunsyo niya sa kanyang programang KrisTV na hindi siya gagawa ng entry sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015. Paano ba sila hindi masu-surprise eh, kumita naman ng malaki ang Feng Shui 2  nila ni Direk Chito Roño. Mula umpisa ng MMFF hanggang ngayong extended na ang run nito sa mga sinehan ay nagpapasok pa rin ito ng pera sa takilya. Bawi na ang inilagay niyang kapital para rito. At may 16 na sinehan pang mapapanooran ng kanyang pelikula kahit tapos na ang MMFF.

Sinabi ni Kris na gusto muna niyang magpahinga sa pagpo-prodyus ng pelikula. Napagod siya ng lubos dito sa Feng Shui at gusto muna niyang pagtuunan ng pansin ang pagbubukas ng mga bagong negosyo tulad ng pagtatayo ng pangalawang branch ng Chow­king. Umaasa naman ang mga followers niya na napakaaga pa para sila mawalan ng pag-asa na makitang muli ito sa susunod na MMFF.

Kris may napasikat na staff

Nakita ko noong isang araw na pinagkakaguluhan sa lobby ng ABS-CBN ang writer ni Kris Aquino sa KrisTV na si Darla Sauler. Mukhang may napasikat na staff niya ang presidential sister na enjoy pumirma ng autograph at makipagkuhanan ng larawan sa fans. Pero dapat lang na bantayan ni Darla ang kanyang weight at kalusugan sa rami ng ipinatitikim sa kanya ni Kris na pagkain.

Kung dati ay sa KrisTV lamang napapanood si Darla, ngayon ay kinukuha na rin siyang cover ng magazines.

Nagpaalam na sa ina ng mga anak, Mayor Herbert hindi sinusukuan si Kris?

Mukhang tinututukan na naman ng tao ang isyu kina QC Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino. Hindi nila gaanong maibato ang sisi sa tila revival ng romansa ng pulitiko at TV host dahil si Mayor ang pumunta ng bahay ng TV host kung kailan marami itong bisita dahil sa ginaganap na Misa ng pasasalamat ni Kris. Huli na para makaiwas si Mayor na makita ng tao, pero ang iba naman ay naniniwalang sinadya niya ang pagpapakita sa mga tao.

Muli, gumagawa ng disappearing act niya ang ina ng mga anak ni Mayor Herbert na si Tates Gana. Pumunta ito ng Cebu kasama ang dalawang anak para sa Sinulog Festival kaya walang makuha ang media na panig niya tungkol sa isyu.

Marami ang naniniwala na baka sa ikalawang episode na ito nina Mayor Bistek at Kris ay maging matagumpay na ang kanilang relasyon. Wala naman daw problema kay Kris kundi na kay Mayor.

Oo nga naman, wala na siguro kay Kris ang problema. Single rin naman si Mayor. Problema na ito ni Mayor na siya namang naghahabol kay Kris and not the other way around.

Love story nina Enrique at Liza may Book 2 na agad

Nasa kasibulan pa lamang ang Forevermore pero may balitang may plano na itong gawan ng Book 2. Sigurado, masaya itong tinanggap ng bagong loveteam nina Enrique Gil at Liza Soberano na kahit wala pang inaaming relasyon dahil hindi pa pinapayagan si Liza, ay parang nagliligawan na ang dalawa.

Malaking tulong din ang Forevermore para ma­ging isang tourist spot ang location na ginagamit nila sa series na mas kilala na ngayong La Presa.

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

CHITO RO

DARLA

FENG SHUI

KRIS

KRIS AQUINO

MAYOR

MAYOR HERBERT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with