^

PSN Showbiz

Raymart ‘di man lang nasilayan ang mga anak nung Pasko at Bagong Taon! Produ din pala, Jennylyn tiba-tiba sa English...

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Ngayong araw na ang seremonya ng pag-iisang dibdib nina Aiza Seguerra at Liza Diño na gaganapin sa Laiya, San Juan, Batangas.

Bukod sa pamilya, suportado rin sila ng mga malalapit nilang kaibigan na naglaan ng araw para sa kanilang dalawa.

Isang buwan nang dumaan pagkatapos ng kanilang kasal sa Amerika, pero mas nai-stress daw sila ngayon ng seremonyang gagawin dito sa Pilipinas dahil sa dami ng mga malalapit nilang kaibigan na magiging bahagi ng kanilang kasal.

PAK: Isa pala si Jennylyn Mercado sa mga producer ng pelikulang English Only, Please kasama rin si Derek Ramsay.

Kaya tuwang-tuwa ang Kapuso actress nang nalaman niyang umabot ng 100 million pesos ang kinita nito.

Na-wave ang kanilang talent fee at meron din daw silang ipinuhunan kaya masayang-masaya sila ngayon at doble-doble ang balik sa kanya. Kaya patuloy daw siya sa pagdarasal sa sunud-sunod na suwerteng dumarating sa kanya.

“Lahat talaga nang pinasok ko na may kasamang pagdadasal na ‘Lord Kayo na po ang bahala sa akin. I guide ‘Nyo po ako,” pahayag niya sa presscon ng bagong drama series niyang Second Chances.

Napabulalas si Jennylyn ng “huwag naman sana” nang tinanong namin kung ‘yun ba ang kapalit nang pagiging loveless niya.

BOOM: Itinuturing ni Raymart Santiago na malungkot ang nakaraan niyang Pasko at Bagong Taon dahil first time daw iyun na ipinagdiriwang nilang hindi kasama ang kanilang Mama na namayapa kamakailan lang.

Ang isa pang ikinalungkot ni Raymart ay hindi pa rin daw niya nakasama o kahit nakita man lang ang kanyang mga anak.

Nagpadala raw siya ng regalo pero hindi man lang daw niya nakita ang mga bata. Nakausap lang daw niya sa phone nang magpasalamat sa kanya.

Napapagod na si Raymart sa kasasalita tungkol sa isyu nila ni Claudine Barretto kaya ayaw na raw niya sanang magsalita.

Pero nandiyan naman daw ang pag-asang maging magkaibigan sila at magkaroon uli ng second chance ng friendship, pero ang chance na magkabalikan ay malabo na raw talaga.

“Sa friendship may pag-asa na magkaroon ng second chance sa tamang oras sa tamang panahon,” pakli ng Kapuso actor.

“Hindi naman nawawala ang effort ko eh. May ginagawa naman ako. Maraming taong nag-iisip para sa amin. Maraming suggestions, kaya medyo nagugulo. Siguro hindi pa hinog ang lahat para ayusin, pero darating ‘yun,” patuloy na pahayag ni Raymart.

Kabilang si Raymart sa Second Chances ng GMA Telebabad na magsisimula na sa January 12.

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

BAGONG TAON

CLAUDINE BARRETTO

DAW

DEREK RAMSAY

ENGLISH ONLY

JENNYLYN MERCADO

RAYMART

SECOND CHANCES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with