^

PSN Showbiz

Ayon sa manghuhula, Matteo at Sarah maghihiwalay daw ngayong 2015

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Dapat bang paniwalaan ang sinabi ng isang manghuhula na maghihiwalay sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli this year? Ayon sa isang manghuhula na itago raw natin sa pangalang Madam Q, ayaw ibigay ang tunay na pangalan, hindi raw match ang dalawa kahit maraming nagsasabi na pareho silang in love sa isa’t isa.

Ayon pa sa manghuhula, maraming dadaanang obstacle ang dalawa na hindi nila kakayanin kaya maghihiwalay na lang sila.

Tanging si Matteo lang ang laging may sinasabi sa relasyon nila ni Sarah sa pamamagitan ng pagpo-post niya sa kanyang Instagram account.

Abangan nating kung magkakatotoo ang hula nitong si Madam Q na madalas manghula sa kanyang mga kaibigan lang.

Tragic Theater nakakatakot

Graded B pala ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Tragic Theater na ipalalabas sa mga sinehan bukas, Thursday.

Ang ganda ng trailer ng pelikula at talagang nakakatakot kaya nakaka-excite panoorin ang pinagbibidahan nina Christopher de Leon, Andi Eigenmann, and John Estrada.

Parang totoo ang mga eksena sa trailer ng movie na dinirek ng award winning director na si Tikoy Aguiluz for Viva Films.

Ilang pelikula sa MMFF, 7 hanggang 8 lang ang nanonood

Nakakalungkot ang nangyari sa ilang pelikulang kasali sa MMFF. The other night, rampa na naman ako sa mga sinehan. At ang sad part, ‘yung ilang sineng kasali, pito lang daw ang nanood sa last full show. Kaya ang nagtse-check ng mga ticket, malungkot dahil nga pito lang pumasok sa 9:20 screening.

Ang isa namang pelikula pa, halos ganun din ang tao sa last screening.

Ayon sa girl sa entrance ng mga sinehan, since Sunday pa raw mahina ang mga pelikulang kasali sa MMFF at English Only, Please lang ang medyo tinatao.

KC at Paulo mainit na pinag-usapan

Inabangan at mainit na pinag-usapan ng TV viewers at netizens ang pag­sisimula ng ikatlong kwento ng hit Ka­pamilya Christmas TV special na Give Love on Christmas tampok ang ’loveteam’ na sina KC Concepcion at Paulo Avelino.

Base sa datos ng Kantar Media noong Lunes (Enero 5), wagi ang pilot episode ng Give Love on Christmas Presents Exchange Gift taglay ang national TV rating na 12.4%, o limang puntos na kalamangan kumpara sa katapat nitong programa.

Bukod sa ratings, panalo rin ang pilot episode ng Exchange Gift sa social networking sites tulad ng Twitter kung saan naging nationwide trending topic ang hashtag na #GLOCExchangeGift dahil sa mga nakakakilig na eksena ng mga karakter nina KC at Paulo na sina Anna at Christian.

Samantala, tiyak na mas kapananabikan ng viewers ang pagpapatuloy ng Give Love on Christmas Presents Exchange Gift ngayong nagpakasal na sina Anna at Christian. Paano haharapin nina Anna at Christian ang bagong kabanata ng kanilang relasyon ngayong matututunan na nilang hindi madali ang buhay may-asawa? Magagawa ba nilang tuparin ang mga pangakong binitawan nila sa oras na dumating ang malalaking pagbabago sa kanilang pamilya?

Ang Give Love on Christmas ay binubuo ng tatlong kwento na iikot sa pamilya, relasyon, at pag-ibig. Kabilang dito ang kwentong Exchange Gift  nina Paulo at KC, The Gift Giver nina Eddie Garcia, Aiko Melendez, Dimples Romana, Carlo Aquino, at Louise Abuel, at The Gift of Life nina Gerald Anderson at Maja Salvador.   

vuukle comment

AIKO MELENDEZ

AYON

CHRISTMAS PRESENTS EXCHANGE GIFT

EXCHANGE GIFT

GIVE LOVE

MADAM Q

PAULO

TRAGIC THEATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with