^

PSN Showbiz

Mga regalo sa bagong kasal, dumiretso sa Yes Pinoy!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines –  Magkano kayang gastos sa kasalang Dingdong Dantes and Marian Rivera? Kinabog ng kasal ng hari at reyna ng GMA 7 ang lahat ng kasalan sa showbiz.

At hindi sila nagdamot sa fans maging sa media na karaniwang ginagawa ng mga ikinakasal sa showbiz.

Kahit may fans, naging tahimik at solemn ang kasalan dahil napakiusapan na sila na mag-a-update sa social media. Pero may die hard fans talaga na hindi nagpapigil sa pagpunta para personal na makita ang kasal ng kanilang mga idolo.

Kung sabagay mas sikat naman sila kesa kina Iya Villania and Drew Arellano, Bianca Gonzales and JC Intal, Karylle Tatlonghari at  Yael Yuson  at iba pang ikinasal na sinadyang ‘wag ipaalam. Inilihim nila at nanlito pa. As if hahabulin ng fans.

Anyway, inabot ng halos madaling araw ang wedding reception sa MOA Arena. May kantahan pa dahil sinorpresa ni Dingdong ang asawa ng Aegis band kung saan nakikanta pa si Mrs. Dantes ng Basang-Basa sa Ulan. Si Dingdong naman ay may original song for Marian na composed by Janno Gibbs.

Kahit pagod na ang hitsura ng bagong kasal, masayang-masaya sila lalo na’t nakumpleto ang pamilya ng bagong misis na may dance number kasama ang amang galing Spain pa habang kumakanta si Regine Velasquez ng Looking Through the Eyes of Love.

Hindi na rin nagpalit ng gown si Marian. Kasi nga naman ang ganda talaga ng gawa ni Michael Cinco. Tinanggal lang ang mahabang train ng gown.

Nagmukha ring maliit ang MOA Arena sa reception ng kasalan. Inayusan ito ng pagkarami-raming imported na flowers at ang dessert buffet, wala kang hindi kakainin dahil ang yummy lahat.

Hindi na namin tinapos ang reception. Nang magkaroon kami ng photo op with the newlyweds, lumayas na kami.

Lahat ng regalo ay automatic na napunta sa Yes Pinoy Foundation ni Dingdong. May isang table sa labas ng reception area na tumatanggap ng cash donations para sa foundation. Naka-specify sa wedding invitation na instead na regalo, i-donate na lang sa Yes Pinoy ang ibibigay ng mga sponsor at guests.

Anyway, congrats sa bagong kasal!

Mga ‘Feng Shui’ expert hindi gaanong pinag-isipan ang predictions?!

Grabe 2015 na pala. Hahaha. Abala kasi ang showbiz. So parang hindi na rin namalayan na tapos na pala ang taon.

Madalas mang sabihin na lugmok ang movie industry, marami pa rin namang mga pelikulang naipalabas noong 2014 at ngayon nga ay pinipilahan ang mga pelikulang kasali sa MMFF na magtatapos sa January 6.

Dahil bagong taon, marami rin ang nagsulputang feng shui expert na nagbibigay ng kanilang predictions na parang ang labo naman.

Like sabi ng isang ipinakilalang Feng Shui expert, “malamang mabuntis si Marian Rivera.” “Natural na mabubuntis siya dahil meron siyang asawa. Bagong kasal pa sila,” sabi ng isang pumuna sa prediction ng sinasabing Feng Shui expert.

Meron pa raw malamang ibang aktres na mabubuntis bukod sa bagong kasal na si Marian.

Paanong hindi mabubuntis ay may mga asawa naman sila na ‘wag na nating banggitin ang name ni Mr. Feng Shui dahil baka ma-identify niya na siya ‘yung ini-imbyerna ng mga nakakarinig sa prediction niya.

Isa pang sabi ni Mr. Feng Shui malamang mag-asawa na si Toni Gonzaga. Eh talaga nga namang mag-aasawa na si Toni kasi balitang engaged na sila ni Direk Paul Soriano.

Malamang daw magka-lovelife si Kris. Of course dahil hindi malayong magkabalikan sila ni QC Mayor Herbert Bautista. “Kaya magkaka-lovelife talaga sila, hahaha,” sabi ng isang observer sa prediction ng isa pang feng shui expert.

Whatever. Hayaan na natin sila. Isang Masagana at Malusong na Bagong Taon para sa ating lahat.                                         

vuukle comment

BAGONG

BAGONG TAON

BIANCA GONZALES

FENG SHUI

MR. FENG SHUI

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with