^

PSN Showbiz

Tom kinawawa sa pelikula ni Vice Ganda

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Nakakatuwa at comedy ang role ni Tom Rodriguez sa The Ama­zing Praybeyt Benjamin. Tinanggap daw niya ang nasabing role dahil isa itong comedy. Pero sigurado ako na lahat ng nakapanood ng pelikula ay a-agree na sana ay hindi na lang niya tinanggap ang role dahil talagang makakaapekto ito sa kanyang imahe na matagal niyang inaalagaan at pinaghirapang i-build up. Mas mabuti pa siguro kung seryosong role na lang ang ginampanan niya bilang kontrabida kesa naman ‘yung pinaghahagis siya at ginawang target ng-flying kick ng bida ng pelikula na si Vice Ganda. Nakakatawa, oo, pero hindi naman makatutulong para mapaangat ang galing niya bilang artista.

Coco hindi maganda ang kinahinatnan kay Kris!

Sa Shangri-La ko rin pinanood ang Feng Shui 2 na tulad ng The Amazing Praybeyt Benjamin ay meron ding preview ng third installment. Ewan ko lang kung si Coco Martin o si Ian Ve­­neracion ang magsisilbing ba­gong magmamay-ari ng bag­wa, pero sa ayaw at gusto ng mga fans ni Coco, very tragic ang kahahantungan nito. Imposible naman kasing mabuhay pa ito matapos mabaril nang matindi.

Maganda ang pagka­kagawa ng Feng Shui ni director Chito Roño. Si Coco Martin talaga ang bida ng pelikula na sa konting kibo ay tinitilian ng mga manonood. ‘Yung katabi ko ay nakatakip na ang mga mata, pero napapasigaw pa rin kahit dialogue na lamang ang naririnig niya. ‘Yung kasama niyang lalaki, natapos at natapos ang movie nang nangalahati lamang ang kinakain na popcorn dahil madalas makalimutan ang pagkain sa pag-a-anticipate ng nakakatakot na eksena. Magaling na artista si Cherry Pie Picache, pero hindi nanga­nga­ilangan ng galing sa pag-arte ang role niya na isang suwapang na da­ting nagmamay-ari ng bagwa.

Isusunod kong panonoorin ang My Big Bossing para malaman kung karapat-dapat nga si Ryzza Mae Dizon na mapagkalooban ng Best Actress award.

Jake atat na agad sa 2015

Kung puwede lang sigurong hila­hin ni Kuya Germs ang panahon ay ginawa na niya para matapos na agad ang 2014 at masimulan na ang 2015. Paano kasi, sa bagong taon na mapapanood ang indie film na ginawa ng alaga niyang si Jake Vargas sa ilalim ng direksyon ni Ri­chard Somes, ang magaling na direktor ng mga horror at suspense thrillers. Makakasama ni Jake sa movie ang girlfriend niyang si Bea Binene at si Iggy Boy Flores. Paboritong kunin ng mga gumagawa ng indie films si Jake kaya lang mas nauna pa ang mga ito na ipa­labas sa mga probinsya kesa rito sa Maynila. Nakakatulong nang malaki ang indie ni Jake para kilalanin siyang Prince of Mall Shows.

Kathryn nahihila lang ni Daniel

Hindi naman siguro ipagtatanong pa kung sino ang nagdadala sa tamba­lang Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo. Ba­gaman at napakarami ng fans ni Kathryn, sa ngayon ay mas tinitilian ang ka-loveteam niya kaysa sa kanya. She has to bear it dahil si Daniel ang itinuturing na flavor of the month ng tagasubaybay ng showbiz. Sinusundan lamang niya ang tagumpay nito sa recording. At mas tinatanggap siya kapag kasama ito kaysa nag-iisa siya o iba ang kapareha. Ganito rin kaya ang mapatotohanan ni Daniel sa Bonifacio with new screen partner Jasmine Curtis Smith?

vuukle comment

AMAZING PRAYBEYT BENJAMIN

BEA BINENE

BEST ACTRESS

CHERRY PIE PICACHE

CHITO RO

FENG SHUI

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with