^

PSN Showbiz

Sinadya kaya ng aktor? Derek kuwintas na HB ang iniregalo kay Kris

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mamayang gabi na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) Awards Night at matunog ang mga pangalan nina Robin Padilla para sa Bonifacio, Ang Unang Pangulo at Coco Martin para sa Feng Shui na maglalaban sa best actor category. Napanood namin ang English Only, Please at para sa amin, malakas din ang laban ni Derek Ramsay sa nasa­bing kategorya.

Samantala, isang Hans Brumann necklace with cross pendant ang Christmas gift ni Derek kay Kris Aquino at may kasamang letter kung saan, sinabi ni Derek na “Friends for Life” sila. Natawa lang si Kris sa packaging na lutang ang letters HB dahil may naalala siya.

Piolo na-excite nang makita si KC

Nabuhayan ng loob ang fans nina Piolo Pascual at KC Concepcion na umaasang magkakabati man lang ang ex-couple dahil sa balitang nakunan ng picture ang aktor na nilingon at tumingin kay KC.

Ang tsika pa, tinalikuran ni Piolo ang noo’y kausap na si Toni Gonzaga para tingnan si KC. Kung kailan at saan ito nangyari, ‘yun ang hindi pa lumulutang. Wanted din sa fans nina Piolo at KC ang taong nakakuha ng picture at nakikiusap sila rito na ilabas ang litrato, pa-New Year’s gift na lang daw sa kanila.   

Inakbayan pa Rocco pasado sa lola ni Lovi

Kabilang sa sweetest couple this holiday season sina Lovi Poe at Rocco Nacino. Sa bahay ng aktres nag-spent ng Christmas Eve ang aktor at nagka-chance si Lovi na ipakilala ang BF sa ibang members ng kanyang pamilya.

Nagbiro pa si Lovi na kung kinaya ni Rocco ang mom niya, tingnan daw kung kakayanin nito ang lola niya. Pero sa picture ng lola niya at ni Rocco na nakaakbay pa ang lola niya sa balikat ng nobyo, mukhang pasado ang BF sa kanyang lola.

Naalala namin, naghahanap ang Regal Entertainment ng makakapareha ni Lovi sa remake ng Where Love Has Gone, bakit hindi si Rocco ang kunin ni Mother Lily na leading man ni Lovi? Dahil real couple, hindi pang-promo ang sweetness nila at hindi kailangang hintaying magkaroon ng chemistry dahil meron na sila noon.

TV5 pasabog ang pagsalubong sa Bagong Taon

Naintriga kami sa poster ng New Year Countdown ng TV5 dahil may nakasulat na Registration for The Only New Year Artista Search. May kasabay na artista search ang countdown na gagawin sa Quezon Memorial Circle.

Hosts ng TV New Year Countdown sina Ogie Alcasid, Derek Ramsay, Gelli de Belen, at Alice Dixson. Performers sina Kuh Ledesma, Gab Valenciano, Jasmine Curtis-Smith, NEIL, at Talentadong Pinoy 2014 Finalists, Empoy, Philippine All Stars, at ang halos lahat ng talents ng TV5. 

Ang MVP Group of Companies ni Manny V. Pangilinan ang isa sa nasa likod ng malaki at magarbong selebrasyon sa pagwi-welcome ng 2015. Kasama sa poster ang picture ni MVP, inisip namin na baka pupunta rin siya sa QC Memorial Circle.

Maraming magaganap at mahaba ang selebrasyon sa New Year countdown ng TV5 dahil may fireworks display at may 3D Mapping Show pa. After ng countdown, may street party with live bands pa.

vuukle comment

ALICE DIXSON

ANG UNANG PANGULO

AWARDS NIGHT

BAGONG TAON

DEREK RAMSAY

LOVI

NEW YEAR

NEW YEAR COUNTDOWN

PIOLO

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with